Chapter 24: Hindi Mo Kasi Sinabi

1.2K 61 33
                                    



Blue Residences Lobby

Katipunan Avenue

9:18 pm

"Hey, wake up... Jake... Jake..."

Jake: Kel—

Binukas ko ang mga mata ko.

Kelso: Gising na— dito ka pa naka-tulog.

Naka-tulog pala ako sa couch sa lobby ng condo.

Jake: Sorry, hinintay kasi kita.

Kelso: Ano oras ka pa dito?

Jake: After training, dito na 'ko nagpa-hatid kay Goz.

Sumunod ako sa kanya papuntang elevator.

Kelso: Huh? Kanina pa 'yon.

Jake: Bakit, ano oras na ba?

Kelso: It's like past nine na.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tiningnan ang oras.

Jake: Ganoon katagal na pala 'ko naghihintay doon?

Pinindot ni Kelso ang up button sa elevator.

Kelso: Yeah. And kung hindi pa tumawag the kuya at the concierge, hindi ko pa malalaman that you've been there all this time.

Ding!

Jake: Easy... Hinintay lang naman kita na maka-uwi. Kanina pa 'ko tawag nang tawag sa 'yo.

Kelso: I was busy, okay? Sana naman nag-message ka na you were waiting at the lobby or something. I don't pass by the lobby if I came from the parking, di ba?

Pumasok kami sa elevator.

Jake: Tumatawag nga ako... Ayan na naman siya, si Kelsungit...

Kelso: I don't appreciate being called that, Jake.

Jake: May problema ba tayo, Kelso? Ang ayos nating nag-paalaman kaninang umaga, bigla ka lang nawala ka sa radar maghapon, tapos naka-tulog lang ako sa lobby sa kakahintay sa 'yo, ganyan ka na? Uwi na lang ako.

Pinindot ko ang ground floor button.

Kelso: No, wait— Don't...

Huminga ako ng malalim.

Jake: Gutom na 'ko.

_ _ _

Hindi muna kami nag-usap pag-pasok sa unit ni Kelso. Umupo lang ako sa couch niya at nagkunwaring busy sa cellphone ko. Narinig ko si Kelso mag-bukas ng lata ng Spam at ma-ingat niyang hiniwa ng manipis. Nagpa-kulo siya ng tubig sa perculator, habang naghihintay na kumulo nagbukas siya ng dalawang pack ng instant yakisoba. Pagkulo, binuhos niya ang tubig sa mangkok kung saan niya nilagay ang noodles tapos pinasok niya sa microwave. Napa-isip ako bakit niya pa pinasok sa microwave samantalang puwede naman hintayin ng three minutes at maluluto din ang noodles. Nag-crack siya ng dalawang itlog at binati.

Tumunog ang oven toaster. Luto na ang Spam. Lalo akong nagutom sa amoy. Kinuha niya ang tray ng toaster, naglagay ng ilang slice ng butter at binuhos doon ang binating itlog bago pinasok uli sa toaster. Iba din ang diskarte nitong si Kelso.

Kelso: Eat na.

Hindi ako kumibo.

Kelso: Hey, I said eat na.

Tahimik lang ako.

Kelso: If you're not gonna eat, then itatapon ko na lang yung food.

Tumayo ako sa kina-uupuan ko at lumipat sa mesa kung saan naka-hain na yung pagkain. Tama lang ang pagkaka-luto ng Spam: medyo crispy ang mga dulo. May scrambled eggs na hindi ko alam puwede din pala i-oven toaster, may bread, at may yakisoba noodles na tinimplahan pa niya ng oyster sauce.

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon