Chapter 33: Yung Hindi Mo Ina-Akala

1.5K 61 16
                                    


Makati Med

12:14 am

Taylor: Doc, how is he doing?

Dali-daling tanong ni Kelso pagka-labas pagka-labas ng isang Doctor na hindi pa katandaan sa pintuan ng Emergency Room.

Doctor: Who is next of kin?

Tanong niya sa amin.

Jake: Doc, wala po ang family niya, nasa Singapore po ang parents niya kasi manganganak na ang Ate niya.

Sagot ko agad.

Doctor: So, none of you are related to him?

Tanong niya habang ini-isa-isa niya kaming tingnan lahat na naka-abang sa labas kung saan naghi-hintay lahat ng mga kasama ng sinu-sugod sa emergency room.

Kelso: He's our friend, Doc. Doesn't that count?

Malumanay agad na tanong ni Kelso.

Doctor: As a policy, I cannot disclose his condition to just anybody. If you have contact to maybe the closest relative you can find or maybe contact his parents—

Ramon: Doc, Good evening. Ramon Reglos, I'm Jake's father. Can't we make an exception? I will have my lawyer look into the repercussions of it for us, pero in this situation, we need to know how the boy is doing para we can make decisions. Kung pera ang kailangan, kaya ko naman abonohan, money is not an object—

Doctor: It's not that simple, sir.

Hindi pa man natapos ang paliwanag ng tatay, halatang desidido na ang doctor sa sinabi niya.

Taylor: We got him this far! Can't you have a bit of mercy naman and tell us if he's okay?

Tumaas na ang boses ni Taylor.

Kelso: You need to calm down, Taylor.

Marahang pigil sa kanya ni Kelso pagka-kapit niya sa left shoulder ni Taylor.

Taylor: Don't tell me to calm the fuck down!

Ikinagulat ni Kelso ang lakas ng boses ni Taylor, lahat na yata ng ibang tao na kasama naming nag-aabang sa hallway ay napatingin sa kanya.

Jake: Easy, Taylor... Andito tayo lahat para kay Goz.

Pinilit kong pakalmahin siya. Kita ko sa mukha ni Kelso ang pagpi-pigil nang nagka-tinginan kami.

Agnes: Doc, mawalang-galang na po.

Nag-lakad si Mama papalapit kay Doc.
Agnes: Ako po si Agnes, I'm a social worker for the DSWD. In cases like this, Doc, siguro naman may sapat nang na-establish na lahat kami dito ay may connection sa patient.

Lumigon ang Mama sa Tatay.

Agnes: And gaya nga ng sabi ni Ramon, puede naman siguro mag-draft kami ng affidavit after nito to protect you. Iniisip lang naman namin ang kapakanan ng bata kung paano namin siya matutulungan pa.

Napa-hinga na lang si Doc nang malalim bago sumagot sa paki-usap ni Mama.

Doctor: Okay... But please let me be very clear that this is breaking protocol.

Ramon: Understood, Doc.

Doctor: We still have to get toxicology from his blood samples if ever he ingested substances other than alcohol, but judging from his condition when he got here, he may have accidentally triggered a dangerous reaction with the alcohol.

Napa-lingon ako kay Taylor.

Doctor: Do you know if he's under some medication that could have possibly had some adverse reactions to his recent alcohol intake?

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon