Chapter 28: Sama Ng Loob

1.3K 64 74
                                    

Hapon na nang lumabas kami ng bahay. Nag-siesta kami ni Kelso ng mga isang oras. Pag-gising namin, wala na sina Mama at Kuya Mack. Na-una na sa sementeryo. Gamit ulit ang motor ni Lester, humabol kami ni Kelso at nag-sindi kami ng ilang kandila sa may puntod ng Lola Tikang

Inaya ko si Kelso pa-plaza para naman makita niya ang mga sinaunang bahay sa may gitna.

Kelso: Can we go to the church muna? It's my first time here, di ba? I wanna make a wish.
Request ni Kelso habang nili-liko ko ang motor sa may Calle Burzagom.

Jake: Sige, daan tayo.

Nag-park ako ng motor sa may gilid ng plaza sa tapat ng bahay ni Doña Idang.  Nag-lakad kami ni Kelso papuntang simbahan. Pag-pasok namin sa pintuan ng simbahan, kata-tapos lang ng misa, kaya may mga nasalubong kaming pa-labas. May mga bumati sa 'kin habang nag-lalakad kami papuntang altar. Pero hindi ko sila masyadong nakausap kasi hinahabol ko si Kelso na excited maka-abot sa harap.

Nang nasa pinaka-harap na siya ng mga upuan, luluhod na sanaa siya nang bigla ko siyang pinigilan sa brazo niya.

Jake: Kelso, huwag diyan.

Kelso: Huh?

Jake: Ang front row para lang sa mga matatandang Taga-Guitna.

Kelso: Oh yeah, I almost forgot.

Lumipat siya ng upuan, mga tatlong row ang layo mula sa harap at lumuhod para mag-dasal.

Umupo ako sa tabi niya.

Puwede palang mag-mukhang anghel 'tong si Kelso.

Seryoso siya habang nagdarasal.

Mga ilang minuto rin siyang tahimik na nag-dasal bago siya na-upo.

Kelso: The altar's really nice.

Jake: Medyo bago na yan. Mga ten years o di bababa ng ten years lang siguro.

Kelso: Ah, so it's a restored altar. Saan pala dito yung sina-sabing pinag-lilibingan ng mga old rich?

Jake: Doon sa kanan.

Tinuro ko ang sacristy sa may kanan ng simbahan sa may likuran ng pulpito.

Kelso: Is it okay if we take a look?

Jake: Okay.

Tumayo kami at nag-lakad papunta sa pinag-lalagakan ng buto ng mga Taga-Guitna.

Maraming bulaklak ang naka-lapag sa tapat ng mga lapida sa dingding. May mga nag-iwan ng mga kandilang nasa baso na halatang kanina pa sigurong umaga o tanghali nasindihan. Sa apoy pa lang ng mga kandila, nag-liwanag na ang lugar na ito.

Kelso: Ganito pala here.

Bakas sa mukha ni Kelso ang pagka-mangha sa mga lapida. Isa-isa niyang bina-basa ang mga pangalan at date na naka-ukit sa mga 'yon. Naninibago ako kasi sa pagka-kilala ko kay Kelso, hindi siya madaling ma-impress. Parang nakita na niya ang halos lahat kaya siguro kaya siya ganoon.

Jake: Ngayon ka lang ba nakakita ng mga na-ilibing sa simbahan?

Kelso: I've been to churches na may mga priests or persons of great importance that have been burried underneath or at the side chapels. But this is the first time I saw na may mga descendants na still offer flowers and candles.

Jake: Para bang eksena sa pelikulang horror?

Kelso: It's creepy, but it's not a bad kind of creepy. Wait, where's Don Javier's lapida?

Jake: Ah, dito...

Kelso: Oh...

Don Javier Ordoveza y Campitan
Abogado y Juez de la Corte Suprema
19 Enero 1921 - 14 Noviembre 2009

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon