Chapter 19: Paano Ko Sisimulan?

1.4K 85 44
                                    



Jake's P.O.V.

8:38 pm

Wednesday

Blue Residences

Katipunan Avenue

Jake: Tulala ka diyan.

Sabi ko habang pina-panood si Kelso na kanina pa pinapa-ikot-ikot yung pasta noodles sa tinidor niya.

Kelso: Huh?

Sagot naman niya nang may pagta-taka.

Jake: Kanina ka pa tulala diyan, sabi ko. Hindi ba masarap yung pasta?

Sumubo na rin siya.

Kelso: It's good.

Sagot niya habang nginu-nguya pa ang niluto kong pasta.

Jake: Buti naman. Akala ko kasi pumalpak ako sa pag-sunod sa recipe.

Hindi ko rin alam kung bakit yung recipe na may olive oil, diced tomatoes, fresh basil, bell peppers, at smoked bacon pa yung napili kong pag-experimentuhan ngayong gabi. Hindi nga lang rin smoked bacon yung nabili ko pero sa amateur kong panimpla, masarap namang lumabas kasi kahit si Tito Jess na ipinag-tabi ko ng niluto ko, nasarapan nang natikman niya bago ako umalis papunta rito sa condo ni Kelso.

Kelso: How did you even have the time to cook?

Tanong niya sa 'kin. Napa-ngiti na lang ako sa sarili ko.

Jake: Yung chicken at yung salad madali lang. Yung pasta, diyan ako medyo bumagal. Pero kinaya naman ng under two hours.

Madaya ako sa chicken. Alam kong hindi terno pero may timplado nang Chicken Pandan na puwede na i-prito sa may chicken section sa grocery kanina at yung salad naman ready made na pero dinagdagan ko ng grapes at bumili na rin lang ako ng instant dressing. Yung mamahalin na para hindi ako mapa-hiya.

Kelso: And you made takas sa afternoon to evening practice just for this.

Hindi ko alam kay Kelso kung yung tono niya sa 'kin ngayon lang ay may halong sarcasm o pangja-judge sa na-prepare kong dinner para sa kanya.

Jake: Hindi ako tumakas, nag-excuse ako —medical reason.

Nilinaw ko sa kanya.

Kelso: You didn't need to do this naman. I mean we could have just eaten somewhere, di ba?

Parang hindi yata gets ni Kelso ba't ko ginagawa 'to.

Jake: Kelso, gusto ko gawin para sa 'yo 'to. Pakiramdam ko kasi, dapat nga, kanina pag gising mo, nandito ako tapos nag-breakfast tayo. Kaso nga, nag-habol pa ako sa training kaya ang aga ko umalis.

Kelso: I understand that naman. And you're not naman obligated to—

Jake: Yung nangyari sa 'tin kagabi, na-understand mo rin?

Marahan kong tanong sa kanya.

Kelso: What's there not to understand about that?

Tanong niya na may halong pagta-taka sa tono niya.

Jake: Nagpa-pasalamat lang ako kasi you trusted me with your first time.

Ayan. Nasabi ko na.

Kelso: You do know we shouldn't be discussing this over dinner, Jake.

Ibang klase din talaga itong si Kelso. Kahit kaming dalawa na lang nga ang nandito, akala mo nasa restaurant kami at maraming nasa paligid namin. Laging una pa rin ang good manners.

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon