Chapter 09: Family Day Part Two

1.7K 89 61
                                    


Jake: Round One: Kelso 1 point, Uncle Fred 0.

Bulong ko sa tenga ni Kelso pagka-sarang pagka-sara ko ng pinto sa kitchen.

Humarap siya sa 'kin at tumawa.

Kelso: Hahahaha!!! Buti na lang people were too busy to notice —namumula na si Uncle Fred sa inis when he got burned.

Jake: O ayan. Nag-smile ka na.

"Ladies and Gentlemen, mga Maguinoo at mga Binibini, Damas y Caballeros, Mariccones y Chinggones, Muchachos y Muchachas! I HAVE ARRIVED!"

Nabasag ng boses na 'yon ang kaguluhan sa kitchen na puno na ng mga kasambahay na naka-uniform na bigla na lang nagsulputan. Sabay-sabay silang abala sa paghugas at pagpunas ng mga basong pinapapalitan ni Kelso.

Napa-tingin kaming lahat sa babaeng pinanggalingan ng boses na 'yon.

Kelso: Oh my goodness, what are you doing here??? Aren't you supposed herding sheep in New Zealand???

Beatrice: Is that any way to greet your favorite cousin?

Mang Jo: Excuse me, Ma'am Beatrice.

Biglang sumulpot si Mang Jo, ang lalaking nag-bukas ng gate para sa amin kanina sa likuran niya.

Beatrice: Ay! What is that? Oh!!!

Tumuloy si Mang Jo sa may kitchen kasama ang isa pang lalaki, bitbit ang isang buong lechon.

Beatrice: My gulay, Mang Jo! Sinira ninyo ng lechon ang dramatics ng aking Kitchen Entrance!!!

Kelso: Huwag ka kasing pa-harang-harang.

Hinatak siya ni Kelso papalapit sa amin, at nagtatalon silang nag-yakapan ng babaeng ito.

Beatrice: I missed you!!!

Kelso: Me too!!! Why didn't you tell me you were flying in from Middle Earth???

Beatrice: Obvious ba? That would ruin the element of surprise. And who is this?

Lumapit siya sa akin at inikutan ako. Nakaka-conscious.

Kelso: Ate Beatrice, meet Jake. He's a friend from school.

Hindi ko alam kung i-aabot ko ba ang kamay ko o mag-smile na lang.

Beatrice: And by friend, bringing him to Sunday lunch with the family means you're getting FRIENDLIER?

Jake: Ano po?

Beatrice: Po??? Do I look that old to you?

Nagulat ako sa reaction niya.  Napahawak siya sa leeg niya at napansin ko ang tattoo ng tatlong maliliit na butterfly baba ng kaliwang tenga niya.

Kelso: Don't scare him, Ate! Jake, pagpacienciahan mo na si Ate Beatrice! I think she spent too much time with the tupa at the mountains of New Zealand.

Jake: Ayos lang.

Sagot ko sabay smile. Naramdaman kong pinisil ng pinsan ni Kelso ang kanang braso ko at pindutin ang tiyan kong nababalot pa rin ng catchang apron.

Beatrice: I gotta hand it to you, Kelso. Jake's "materiales fuertez".

Kelso: Enough na ha...  Why don't you actually make your entrance there sa lanai.

Tinulak ni Kelso ang si Beatrice papunta sa pintuan ng kitchen na derecho sa lanai.

Kelso: Time for you to upstage Catherine and Bobby —you know naman how they love to hear about your jet-setting lifestyle!!!

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon