Chapter 23: 10,000 Per Plate

1.1K 64 23
                                    

Discovery Primea

Ayala Avenue, Makati

10:08 am

Denise: Hi! You guys are from?

Tanong sa amin ng isang chinitang naka-green shirt na may DLSU na logo.

Jaydee: UP Diliman.

Sagot agad ni Jaydee.

Denise: Oh yes! You're with sina Ross, right?

Jaydee: Oo.

Denise: Hi, I'm Denise. Let's get you guys registered. Wait, where is it?

Kinuha ni Denise ang clipboard na may mga printed na papel at may hinanap na page.

Denise: There. Please look for your names on this list; and if your name's not there pa, just write it down at the free space and fill out your contact details na rin. That's your mobile, e-mail, and social media. After this, we'll take a picture ha.

Inabot niya kay Jaydee ang clipboard at isang ballpen.

Jaydee: Guys oh, kayo muna. Saglit—

Inabot niya kay Goz ang clipboard at ballpen.

Jaydee: Ethan!

Sigaw niya para matawag ang attention ng lalaking naka-shirt ng Adamson University na naka-tayo sa may entrance ng venue.

Goz: Jake?

Tanong sa 'kin ni Goz habang ina-alok yung clipboard.

Jake: Una ka na.

Sabi ko.

_ _ _

Matapos kaming mag-register, binigyan kami ng tig-isang sticker kung saan naka-sulat ang mga pangalan namin. Bago pa kami pumasok, kinunan kami ng picture sa harap ng isang backdrop.

Pag-pasok namin sa venue, halos mapuno na ng tao ang lugar. Ang daming familiar na mukha. Majority ng mga lalaki kilala ko kasi basketball varsity rin sila. Yung iba naman nakilala ko dahil na rin na-meet ko na sila dati sa mga events ng UAAP.

Minsan sa pag-pasok ko sa mga ganitong ganap, iniisip ko kung yung mga ngiting sumasalubong sa 'kin talagang totoo. Lalo na kung galing sa mga taong hindi ko talaga kilala. Kaya madalas ako na-iwas sa mga ganito.

Mukhang hindi biro itong event na 'to. Sa hotel sa Makati pa talaga nila naisipang mag-set nitong go-see. Pero sa pagkaka-alam ko, ang go-see parang audition pero parang wala namang audition na magaganap. May stage na may screen sa likuran at naka-arrange yung mga chairs pa-harap. Sa gawing kanan may buffet.
_ _ _

Nahanap ni Jaydee kung saan naka-upo si Ross at yung ibang mga taga UPD.

Ross: Yo, Jake! Jaydee! 

Bati niya sa 'min.

Jaydee: Ross!

Jake: Late na ba kami?

Tanong ko sa kanya pagka-upo namin sa mga bakanteng upuan sa likod niya.

Ross: No, sakto lang. Hindi pa naman nag-start. Saan si Goz?

Jaydee: Andoon pa, may kausap lang. High School classmates niya 'ata.

Sabay turo kay Goz na nakikipag-usap sa isang grupo ng mga boys.

Ross: Ah yung kambal, si Troy at si Trey.

Liningon ko uli si Goz at ang mga kausap niya. Hindi ko napansin na magka-kambal pala yung dalawa sa kanila.

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon