Chapter 12: Kape at Kumpisal = Kampesal???

1.6K 82 86
                                    


5:48 am

Blue Residences

Katipunan

Alarm tone...

Alarm tone...

Alarm tone...

Dahan-dahan kong binukas ang mga mata ko.

May liwanag na.

Hindi masyadong malakas ang sikat ng araw ngayong umaga.

Bumangon ako at napa-upo habang tinitingnan ang bintana.

Lumingon ako sa kanan kung saan galing ang tunog ng alarm. Naiwan kong naka-charge ang cellphone ko sa may ulunan ng higaan na ini-handa para sa 'kin ni Kelso. Tumayo ako sa kama at pinulot ang cellphone ko sa sahig para patayin ang alarm at binunot ang charger.

Lumapit ako sa bintana. Hinawi ko ng bahagya ang kurtina at tinanaw ang kabuohan ng Katipunan Avenue. Ang kakarampot na liwanag na meron sa labas pilit nalusot sa mga ulap. Napatingin ako sa may baba sa gawing kanan. Tanaw na tanaw mo pala dito ang Ateneo.

Sinara ko ang manipis na kurtina at tinalikuran ang bintana.

Napa-tingin ako sa salamin na nakasabit malapit sa gilid ng couch. Hindi talaga ako sanay na manalamin. Lalo na sa salamin na kita ang buong katawan ko mula ulo hanggang paa. Ang ikli pala ng boxers na suot ko. Halos tumapat na sa haba ng white t-shirt na ginamit kong pantulog. Pati ang buhok ko —dapat pala nagpagupit ako noong isang araw.

Napa-lingon ako sa kamang kanina lang ay hinihigaan ko.

Ngayon ko lang napansin na mag-isa na lang pala ako sa kinahihigaan ko kanina.

Tumingin ako sa paligid ng condo at hinanap si Kelso. Baka nasa banyo siya kaya naglakad ako papunta sa pinto ng banyo at kumatok.

Jake: Kelso? Kelso?

Walang sumagot kaya pinihit ko ang doorknob para buksan ang pinto. Pagbukas ko ng pinto, wala si Kelso doon kaya pumasok na ako para magmumog at maghilamos.

Binuksan ko ang pinto, lumabas ng banyo at umupo sa gilid ng kama ni Kelso. Nasaan kaya si Kelso? Nilingon ko ang pinaglapagan ko ng cellphone at saka ko napansin ang mattress at mga unan na naka-kalat sa sahig. Tumayo ako at nagsimulang ligpitin ang higaan ko na sana kagabi na hinanda para sa 'kin ni Kelso. Nilagay ko muna ang mga unan sa kama at tinupi ang makapal na comforter at pinatong sa sofa bago ko tinupi ang mattress. Sunod kong inayos ang higaan ni Kelso. Ngayon ko lang napansin na may dalawang comforter pala sa kama ni Kelso. Habang tinu-tupi ko ang isa sa mga ito, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kelso.

Jake: Good morning.

Ngumiti lang siya at tahimik na dumerecho sa kitchen at nilapag ang mga dala niya. Tuloy ako sa pagtupi. Nilapag ko ang manipis na comforter sa may sofa kasama ng mga unan. Sinilip ko si Kelso na ngayo'y nagsasalin ng coffee grounds sa may coffee maker. Inayos ko ang mga unan sa ulunan ng kama at nilapat ang comforter na ka-terno ng bedsheet niya.

Hindi pa rin siya na-kibo.

Naisipan ko nang lumapit sa kanya habang inaalis niya ang laman ng mga paper bag na dala niya.

Jake: Tulungan na kita.

Kelso: I'll take care of—

Kaso nabitawan ni Kelso ang puting food box na nilalabas niya sa paper bag at bumagsak ito sa sahig sabay natapon ang laman nito. Tumalbog ang mga maliliit na longganisa at gumulong sa sahig.

Jake: Hala siya! Kumalat tuloy.

Kelso: Okay lang. May hotdog pa naman at dalawang fried egg diyan—

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon