Hindi ko alam kung anong nangyari sa daldal ni Kelso pero bigla siyang natahimik sa huling nasabi ko. Tahimik lang ako habang nanood kami nung Japanese movie na napili niya. Hindi ko alam kung bakit ito ang movie na napili niya.
Medyo mahaba yung title na "I Give My First Love To You" pero nakakatuwa naman siya lalo na nag-start yung storyline noong mga bata pa sila.Medyo natagalan din bago siya nakapag-salita.
Kelso: Are you sleepy na?
Buti naman... Akala ko na-pipi na siya.
Jake: Sakto lang.
Sagot ko naman. Halatang ini-iwasan niya yung usapan namin kanina.
Kelso: You want extra pillows ba? I can get—
Akma siyang tatayo kaya kumapit ako sa kanang braso niya para pigilan siya.
Jake: Bakit pa kailangan ng extra pillows? Ikaw na lang yakapin ko.
Kelso: Huurrrgggghhhhh! Huwag ka nga, Jake... No mind games, please?
Pumiglas siya at pinakawalan ko ang kapit ko sa braso niya.
Jake: Mind games? Anong mind games sa sinabi ko?
Kelso: Just this morning you tell me you're not over somebody but just like flipping a coin sinasabi mo naman na it's okay if we get physical —it's so not— Arrggghhhh—
Ramdam ko sa boses at tono ni Kelso ang frustration niya. Sa tingin ko naman, nag-o-overthink siya masyado kaya siya nagkaka-ganyan.
Jake: Bakit, hindi ka ba nalilibugan?
Derecha kong tanong tanong sa kanya. Ano ba 'tong mga tanong na lumalabas sa bibig ko?
Kelso: I had to stop myself, remember?
Padabog niyang sagot sabay lingon sa 'kin.
Jake: Seryosong tanong, Kelso. Gusto mo ba?
Nagkita ang mga mata namin. Kahit na medyo malalam lang ang ilang na galing sa flatscreen TV ni Kelso, nangungusap yung mga mata niya.
Kelso: I'd be a hypocrite if I say ayaw.
Mahinay niyang sagot.
Jake: Hayun na man pala. Sa akin naman, okay lang. Wala namang mawawala sa 'kin.
Kelso: Sa akin meron.
Yumuko siya.
Jake: Huh? Anong ibig mo sabihin?
Kelso: I guess what I'm trying to say is— like how do I ba?
Sa mga sandaling ito, parang hindi si Kelso ang katabi ko. Sa isang tingin mo lang kasi kay Kelso, kung hindi mo siya lubos na kilala, may sarili siyang confidence at kumpas sa galaw niya na dalang-dala niya ang sarili niya. Nakaka-intimidate nga siya kung minsan sa biglang tingin pati sa pagsa-salita niya. Nakita ko kung paano siya gumalaw noong Sunday na sumama ako sa kanya sa mansion ng Lola niya sa Forbes. Nakita ko ang impluensiya na meron siya sa Lola niya, kung paano niya lampasuhin si Uncle Fred niya, at yung tapang niya mangatwiran sa Mommy niya.
Jake: Sabihin mo na kasi.
Pilit ko pa.
Kelso: Okay... If ever may mangyari nga... It will— It will be my first time —at all. Damn it!
Natigilan ako sa inamin niya.
Jake: Seryoso ka, Kelso? Virgin ka pa?
Lumingon siya sa akin at nilagay yung kanang kamay niya sa noo na naka-porma ng letter V ang mga daliri niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/155247961-288-k973951.jpg)
BINABASA MO ANG
The Coño Boy 4: Jake
RomanceWhat happens when you get your heart broken? When the one you have loved all your life chooses someone else... Where do you start? The Coño Boy Series