Chapter 04: At Tumigil Ang Mundo Ko Nang...

1.9K 90 35
                                    

CHK Gym

7:28 pm.

Jaydee: Saan ka after, Jake?

Tanong sa 'kin ni Jaydee. Kaka-tapos lang ng training. Na-upo muna ako saglit pagka-tapos kong tulungan si Jaydee na mag-ligpit ng marker cones sa floor. Pinanood ko muna yung ibang team mates namin na mag practice-shooting na parang bitin pa sa kanila yung halos three hours namin dito sa gym. Medyo wala sa kondisyon ang pakiramdam ko kaya feeling ko ang bilis ko napagod.

Jake: Dinner —yata.

Jaydee: Sama ka sa 'min?

Si Jaydee. Kapwa taga-Laguna. Naka-sama ko siya noon sa Palarong Pambansa. Dating siyang taga-Adamson pero nag-transfer dito last year at ang first game niya, noon lang Pioneer Invitational Cup.

Jake: Niyaya ako ng groupmates sa Up Town kanina.

Jaydee: Oo nga pala, anong palagay mo doon sa bagong lipat-bakod?

Yung lipat-bakod na sinasabi niya ay yung bagong team mate namin na nag-transfer nitong bago mag-start ang first semester. Isa siya sa mga pina-panood naming mag-shoot sa kabilang dulo ng court.

Jake: Parang hindi mo siya naka-sagupaan sa laro dati, ah... Alam naman natin kung paano siya mag-laro ang tanong paano siya makipag-laro.

Hindi ko mahanap yung tamang salita sa gusto kong ipa-rating kay Jaydee. Alam ko naman na talagang kina-kikitaan siya ng galing nila Coach kaya madali sa kanilang ipa-transfer siya dito. Ang gusto ko rin kasi malaman, kung paano siya bilang team mate.

Jaydee: Tingnan natin. May isang taon pa naman siya sa bench bago siya mag full-on.

Tama. Hindi kasi agad nakaka-laro ang mga qualified transferee na athletes sa first-string varsity teams dito sa UP. Sa pagkaka-intindi ko parang "non-compete clause" ang tawag sa ganoon —o yun lang ang na-alala ko sa paliwanag sa 'min ng asssistant coach noon. Dahil una, mag-aadjust pa sila style ng training at team dynamics namin dito; at lalo na't kaka-lipat lang niya, kaya kung biglang salang siya kalaban yung mga dating ka-team niya sa dati niyang school, tiyak pag-iinitan siya sa laro. Yan din ang nangyari kay Jaydee. Hindi ko ma-alala kung bakit siya nawala na lang sa Adamson. One batch  higher siya sakin at nakikita ko na siya maglaro noon para sa Adamson bago pa ako mag-incoming freshman  sa UP. Pero last year, pagka-pasok ko, parang freshman lang din ang status niya.

Jake: Kaya nga, isang season pa, two sems, at ilang laro rin 'yon para makapag-pakitang gilas. Madami pang puwedeng mangyari.

Two sems din na-bench si Jaydee kahit kasama namin siya mag-train. Kapag non-UAAP games sina-salang siya paminsan-minsan.

Jaydee: May two sems pa tayo bago tayo malagay uli sa likuran ng pila?

Itong si Jaydee akala mo hindi sila parehas ng pinanggalingan. Kaya lang, naiintindihan ko siya. Pursigido at may pagma-mahal sa laro si Jaydee. May kumpas yung galaw niya sa court at nakikita ko na nagpi-pigil siya mag-pakitang gilas kasi may consideration sa team mates. Hindi talaga biro yung isang taon kang parang probationary at uhaw ka na makipag-sabayan pero kailangan mo magpigil. Respeto ba, parang ganoon.

Jake: Huy, Huwag kang magbitaw ng salitang ganyan baka may maka-rinig sa 'yo.

Sa akin lang naman siya nakakapag-bitaw ng ganyan. Si Jaydee nga pala yung kasama ko sa court noong April sa Pioneer Invitational Cup. Siya yung nag-pasa sa 'kin ng bola at nag-bigay sa 'kin ng chance na sumugal sa napaka-imposibleng 3-point shot na 'yon. Kaya alam ko na naka-bantay sa likod ko ang taong ito. At siyempre, dapat ako rin sa kanya.

Jaydee: Hindi lang ako ang may sabi niyan.

_ _ _

7:48pm

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon