Blue ResidencesKatipunan Avenue
October 30
8:08 pm
Kelso (on the line): Yes, Ma'am. We'll be there as well tonight. Fashionably late, of course. I don't know about Ate Beatrice but Jake promises to pass by the booth and take selfies there. Yes, Ma'am. You've seen naman how we featured other promos in Jake's IG, right? Yes... Yes... We'll see you later po.
Natapos na din si Kelso sa kausap niya sa phone. Kararating ko rin lang galing training at dumerecho na ako rito kasi usapan namin ni Kelso dito na 'ko magbi-bihis. Sina Jaydee, Dane, at Goz naman sa condo na ni Goz nag-ready. Nai-kuwento ko bang na-invite din ni Kelso sila? Ngayon alam niyo na.
Kelso: Ang kulit, ha.
Nag-santo na naman ang mga kilay ni Kelso.
Jake: Sino ba 'yon?
Kelso: Ah si Miss Dianne. She's the marketing manager for FORVM Apparel. May booth sila later at Manila Fright. They offered us a month's worth of wardrobe and cash for you so you're going to make an appearance there later.
Jake: Akala ko ba, kaya tayo mag-aattend ng Manila Fright para mag-enjoy, sisingitan mo naman ng ganyan?
Kelso: It wasn't my idea. It was Ate Beatrice's. She referred Ms. Dianne to us —that's how these brands get clout when they participate kasi during these events.
Jake: Basta 'yon lang ang promo for tonight, Kelso. Para naman mag-enjoy tayo.
Kelso: Promise.
Jake: Ano 'to?
Napansin ko ang puting telang may tinatakpan na kung ano sa couch ni Kelso.
Kelso: No, don't touch that! You're gonna ruin the surprise. That's your costume eh.
Matagal-tagal ding tinago ni Kelso sa 'kin tong costume na susuotin ko ngayong gabi.
Jake: Shower lang ako.
Paalam ko sa kanya.
_ _ _
Nag-tapis lang ako ng tuwalya pag-labas ko ng shower. Medyo basa pa ang katawan ko at naramdaman ko ang lamig na dulot ng hampas ng aircon sa unit ni Kelso. Naka-abang na si Kelso sa may tabi ng couch kung saan niya nilagay ang costume ko na may tabong puting tela.
Kelso: You wanna see your costume na?
Tanong niya sa 'kin na halos abot tenga ang ngiti niya.
Jake: Siempre. Mas excited ka pa 'ata sa 'kin eh.
Kelso: Huwag na lang kaya.
Sabay bato ng mga salitang may bahid ng sungit.
Jake: Huwag ka ring ganyan, Kelso.
Kelso: Fine! Ready? Here we go!
Tinanggal ni Kelso ang tabon na tela at nakita ko ang halos 2 weeks niyang pinag-hirapan.
Hindi ko alam kung costume ba o sculpture ang tini-tingnan ko. Yung mga alambre na matiyaga at masinsin niyang binalot sa cachang ginupit-gupit niya. Biruin mo, naka-buo siya ng ulo ng kabayo na parang frame lang pero alam mong kaka-iba: may mata na akala mo naka-tingin sa'yo, may puting buhok na gawa sa ginupit-gupit na manipis na tela, at may ka-ternong white na jeans at white na sneakers.
Lumapit ako at dinampot ang ulo ng kabayo.
Jake: Ang ganda, Kelso... Husay...
Kelso: You like it?
BINABASA MO ANG
The Coño Boy 4: Jake
Любовные романыWhat happens when you get your heart broken? When the one you have loved all your life chooses someone else... Where do you start? The Coño Boy Series