Chapter 52: Kasal na Pampelikula

1K 47 29
                                    

[Author's Notes: The 3 songs used for this chapter have been added accordingly. The first song's video is on the chapter's banner. The next two have been inserted within the chapter's text. Do play it upon cue! Enjoy!]

Bahay Ordoveza [Doña Idang's]
Poblacion
Bayang Pinagpala
28 December
1:52 pm

Doña Idang: I don't understand why we didn't have a church wedding in the first place.

Tanong ng Doña Idang habang nagpapa-make-up si Mama.

Agnes: Si Ramon po kasi, nagma-madali. Ang sabi ko nga, nakapag-hintay na rin lang naman tayo ng twenty three years, ano ba naman ang ilang buwan pa? Kaso ayaw po pumayag.

Doña Idang: Bueno, never mind. That will give us an opportunity to have another wedding then: a church wedding.

Ramdam mo ang excitement sa boses niya.

Agnes: Isa pa po? Hindi naman na siguro kailangan—

Doña Idang: Isa pa, hija.

Madiin ang pagkaka-sabi niya.

Doña Idang: Dahil gusto kong inisin si Salve, money is not an object! I would not mind spending just to spite her! It's what Javier would have wanted. Isipin mo, pina-soli rito na punit-punit ang invitation ng kasal ng ninyo? Kasal ng sarili niyang anak?

Jake: Tama na po, baka ma-high blood po kayo niyan. Hayaan niyo na po yung mga pinag-lihi sa sama-ng-loob.

Pabiro kong pinigilan ang Doña Idang na gusto na yatang may mahataw ang abaniko niya.

Doña Idang: Hahahahaha!

Napalakas ang tawa ng Doña Idang na halos madulas na siya sa pagkaka-upo niya sa gilid ng kama.

Doña Idang: Oh Jake, mi hijo, that truly best describes her. Save us from Salve, el mujer na pinag-lihi sa sama ng loob!

Agnes: Jake ha, huwag mo na ulitin yan sa harap ng maraming tao, baka may maka-rinig sa 'yo. Kahit ano pa man ang ipa-kita niya, Mama pa rin ng Tatay mo si Doña Salve.

Saway sa 'kin ng Mama.

Jake: Opo.

Cindy: Madam, let's do your make-up na po.

Request sa kanya ng make-up artist na friend ni Kelso.

Doña Idang: My turn?

Cindy: Yes po, Madam.

Doña Idang: I want to try that most amusing contraption you're using.

Cindy: The airbrush po? Of course, Madam. Anything you want.

Tumayo si Mama mula sa make-up chair at sabay naming inalalayan ang Doña Idang maka-upo doon kapalit ni Mama.

Jake: Ma, okay ka lang po?

Tanong ko sa kanya habang naka-harap siya sa damit niyang naka-suot sa isang mannequin sa may tabi ng kama.

Agnes: Oo naman, Jake. Na-iinip na nga ako. Pero ayaw kasi ng Doña Idang na lumabas ako ng kuwarto. Pamahiin daw. Nasaan pala si Kelso?

Jake: Naroon po sa labas, pinag-didiskitahan nila ni Se yung bouquet niyo na dineliver kanina. Hindi ata nila nagustuhan —may kina-kalas yung dalawa tapos may pinapa-dagdag.

Agnes: Buti naman magka-sundo sila.

Jake: Mag-hapon hanggang gabi na sila rito kahapon na-tulong kay Tito Vic mag-gayak. Nakapag-basketball na nga kami ni tis— ni Joaquin— hindi man lang nila kami hinanap.

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon