3:08 pmTuesday
MOA Arena
Game Day
Kelso dR:
I'm here na.JaKieran:
Paano ko malalaman kung nasaan ka?Kelso dR:
May dala akong Tarpaulin, LED Boards, at isang malaking sintra na printout ng face mo.JaKieran:
Sungit naman.Kelso dR:
You have already been graced by my presence. Don't push it.JaKieran:
Tikky, yung Daddy mo parang may buwanang dalaw.Kelso dR:
Wala akong anak na Tikbalang.JaKieran:
Ouch daw sabi ni Tikky the Tikbalang.Kelso dR:
Tikky, please tell your Daddy, they better win today._ _ _
Hindi ko na kailangang hanapin si Kelso. Nakita ko agad siya hawak ang DSLR niya at na-kuha ng photos. Tinaasan lang niya ako ng kilay pagka-kita ko sa kanya. Napansin ko agad siya kasi nagulat ako na andoon si Mama kasama ang Tatay ko. Wala silang pasabi na pupunta sila ngayong game day. Tuesday kaya hindi ko inasahan na luluwas siya.
Kumaway si Mama nang nagtagpo ang mga mata namin. Excited siya. Akala ko si Kelso lang ang makaka-panood sa 'kin, buti na lang na-surprise ako kay Mama.
_ _ _Halftime
Kelso dR:
Tita Agnes is here pala kasama Dad mo.JaKieran:
Napansin ko nga kanina.Kelso dR:
They didn't tell you na punta sila?JaKieran:
Hindi. Gulat ko rin nga.Kelso dR:
It's nice naman na they came to see you play.JaKieran:
Oo nga._ _ _
Agnes, Jake's Mom: Congratulations, anak!
Sabi sa 'kin ni Mama habang yakap niya ako.
Jake: Wala 'yon, Ma. Kaunting oras lang ako nakapag-play, hindi pa naka-6 points.
Yung average ko na 5-7 points per game, hindi ko na-abot. Sa Third quarter na kasi ako sumalang. Buti nga pinag-bigyan pa. Para naman hindi masayang yung effort ni Mama na lumuwas pa-Manila.
Agnes, Jake's Mom: Ikaw naman. Team Sport nga, di ba? Kahit ba six or two points, maganda naman ang naging resulta. Basta makita kitang naglalaro, sapat na 'yon.
Ramon, Jake's Dad: Congratulations, Jake.
Jake: Thank you po. Salamat sa pag-punta. Alam ko na busy kayo.
Wala talaga akong ma-isip na sabihin. Parang dialogue ko na lagi sa kanya yang mga salitang yan.
Ramon, Jake's Dad: Ma-aga pa nang tinanong ko ang Mama mo kung gusto niya manood ng UP versus LaSalle game kanina.
Agnes, Jake's Mom: At na-taon naman na medyo matumal ang schedule sa Municipio kaya na-isip ko na gusto ko rin makita ka. Dinner muna tayo, anak.
Jake: Ah... si Kelso po kasi, may—
Agnes, Jake's Mom: Oo nga pala! Tawagan mo siya na samahan tayo.
Para naman akong pabayang tao kung basta ko na lang pabayaan si Kelso. Ako na nga nag-request sa kanya na dapat panoorin ang game namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/155247961-288-k973951.jpg)
BINABASA MO ANG
The Coño Boy 4: Jake
RomanceWhat happens when you get your heart broken? When the one you have loved all your life chooses someone else... Where do you start? The Coño Boy Series