Chapter 03: Malakas, Maingay, Malalaking mga Patak

2.2K 83 25
                                    


Palma Hall Steps

11:20 am.

Iñigo: It's about time!

Wala pa ring nag-babago kay Iggy: irritable at masungit madalas ang tono niya. Kung hindi mo talaga siya kilala, iba ang dating niya sa 'yo. Ni-request ko na dito na lang niya ako hintayin kasi may kailangan pa akong kausapin na team-mate ko na na may class din sa area. At madali lang naman magka-kitaan kapag dito.

Jake: Sorry. May kina-usap pa kasi ako. Nag-lunch ka na?

Iñigo: I don't know if I'm that hungry. Pero kung kakain ka, I can eat. Are you hungry?

Jake: Medyo. Hindi kasi ako nag-almusal kanina pag-alis at nay hinahabol akong mapa-pirmahan kaninang umaga.

_ _ _

ROC [Restaurant of Choice]

Bahay ng Alumni

11:37 am

Hindi ako madalas kumain dito pero kung sakaling may magustuhan ako, oorder na lang din ako. Mas mabuting dito na kami sa ROC pumunta kasi makakapag-usap kami ni Iggy sa hindi masyadong maingay na lugar. Kahit na game si Iggy maki-sama tuwing nasa Laguna, pagdating sa pagkain, alam ko na may pagka-maselan siya. Ayaw ko na rin lumabas ng campus at may class pa ako pagkatapos ng lunch.

Jake: Ang layo ng dinayo mo; mula Taft hanggang Diliman.

Iñigo: I was in the area anyway. May kinuha ako sa Loyola Grand Villas and I had some time to kill so I called you. I took a chance na I might see you personally 'cause sa chat lang tayo nag-uusap. Na-istorbo ba kita?

Jake: Hindi naman. Sakto lang na-dismiss na yung huling class ko sa umaga. Di ba taga Grand Villas naman talaga kayo?

Yun ang na-aalala ko kasi talagang sa malapit lang naman talaga dito nakatira noon sina Iñigo gawa ng napag-kuwentuhan na namin dati yan noong nagba-bakasyon siya sa Laguna.

Iñigo: Yeah, but since alam mo na, my Dad decided na ipa-rent na lang yung house to this Korean family. Buti nga hindi na need ibenta yung house. Also, tryin' my best to make iwas the general Katipunan area na lang. Yet somehow, the world has ways of making itself smaller for me.

Jake: Sabagay...

Oo nga. Sino ba naman ang magagawang isipin na pagta-tagpuin kaming apat noon sa may patio ng simbahan nitong nakaraang Mahal na Araw.

Iñigo: How have you been?

May mas malalim na ibig sabihin yung tanong ni Iggy na parang hindi kami nagku-kumustahan sa chat sa FB Messenger.

Jake: Ayos naman.

Ano pa bang gagawin ko kungdi ang maging maayos? O isiping ayos naman ang lahat?

Iñigo: You didn't come home nung fiesta?

Hindi muna ako umuwi nung nakaraang Fiesta ni San Antonio.

Hindi rin ako naka-tulong sa paglabas ng Santa Clara ni Doña Doray noong bisperas at araw ng fiesta.

Hindi ko pa kaya.

Jake: Ah, may training na kasi kami noon.

Palusot ko na lang kay Iggy.

Iñigo: That's a lie, Jake. June 12 was a holiday and June 13 was technically—

Jake: Alam mo na sagot sa tanong mo, Iggy.

Hindi ko alam kung ano gusto mangyari ni Iggy sa pagtatanong niya na parang hindi niya alam yung situation namin.

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon