Chapter 17: Bulong at Yakap

1.5K 73 22
                                    



4:52 am.

Blue Residences

Katipunan Avenue.

Sanay na ang body clock ko na magising ng ganitong oras gawa ng training. Kung hindi man basta na lang magmulat ang mata ko, nagiging conscious na lang ako mula sa pag-tulog ko kahit gaano pa ka-himbing. Napa-lingon ako sa digital clock sa may side table ng bed ni Kelso.

Mag-a-alas-singko na.

Ang himbing ng tulog ni Kelso.

Naka-tagilid siyang yakap-yakap yung mahabang unan.

Sinunod ko naman siya ako at natulog kaming dalawa nang walang suot. Ako pa nga ang nagulat na siya pa mismo ang nag-request. Sa tingin ko naman, dapat ma-experience namin 'yon lalo na kagabi matapos namin pag-saluhan ang init na naramdaman namin sa aming mga katawan.

Dahan-dahan kong inangat yung comforter na bumabalot sa 'min laban sa lamig ng aircon para bumangon. Aninaw ko sa malamlam na ilaw ng lampshade niya ang puti at kinis ng balat sa likuran ni Kelso. Bumangon ako nang ma-ingat para hindi siya ma-gising. Kailangan ko na kasing pumunta sa training.

Kahit na-talo kahapon —lalo't na-talo nga— kaya kailangan bangon uli, train harder at lampasan ang setback na 'yon. Ibinalik ko ang comforter hanggang sa balikat ni Kelso. Mukhang hindi ko naman na-istorbo ang pag-tulog niya.

Hinanap ko ang mga suot ko kanina. Pakalat-kalat sa sahig ang mga damit namin ni Kelso. Pinulot ko yung white t-shirt na suot ko kagabi pati yung white Nike basketball shorts na napatungan ng boxers ni Kelso na nahiya pa siyang hubarin kagabi.

Oo nga pala...

Kagabi...

Aaminin ko, simula nung usapan namin ni Kelso noong isang weekend at wala agad nangyari sa amin, medyo na-disappoint ako sa sarili ko. Na-disappoint na parang pakiramdam ko hindi ako ma-appeal o kaya dapat napa-payag ko agad-agad si Kelso doon sa suggestion ko.

Kung alam niyo ang kuwento ng buhay ko, hindi ko na rin naman first time sa ganoong bagay. Kahit na tahimik ako madalas pagdating sa sex, hindi naman ako anghel sa bagay na 'yon. Pero nilalagay ko naman sa lugar ang libog ko. Ayoko rin nang may masabi o kumalat tungkol sa 'kin na hindi ko gusto. Lalo na sa 'min sa Bayang Pinagpala. Ayoko yung may makakarating sa pamilya ko na hindi nila magugustuhang marinig.

Kagabi, naisip kong subukan kung bibigay na ba si Kelso. Na-inis kasi ako na parang hindi ko nakuha ang attention niya habang nandoon ako. Planado ko pa naman yung suot ko na white t-shirt na medyo fit, yung white na basketball shorts, pati perfume na ginamit ko. Kasi na-alala kong sinabi niya na gusto niya ang amoy noon sa balat ko.

Kaso nga, may ibang naka-kuha ng attention ni Kelso. Hindi ko naman alam na may pa-trending siya sa mga accounts niya. Kung tutuusin, sa tingin ko, hindi naman talaga kailangan ni Kelso yung pera sa binabayad sa kanya ng agency na minsan inamin niya sa 'kin na delayed pa nga. Kaya lang, parang wrong timing ako kagabi.

Kung nanalo man kami sa game kahapon, gusto ko rin sana mag-celebrate kasama si Kelso. Kaya lang natalo pero ayoko rin naman magmukmok kaya sinubukan ko lang na humiling ng attention niya. Saan pa naman ba ako pupunta? Isip-isip ko lang... Wala naman si Kuya Mack sa bahay. Kung sina Jaydee at Goz naman ang tatanungin ko, mag-aaya ang mga 'yon ng shot eh hindi ko naman hilig ang mag-inom lalo na may training kinabukasan.

Hindi ko kasi mabasa si Kelso kung minsan. May mga tao sigurong sadyang ganoon. Yung hindi mo agad malaman kung ano ini-isip nila o ano ibig sabihin ng mga galaw nila. Pakiramdam ko kasi binilad ko na yung sarili ko pero nagawa pa niyang ma-resist yung moves ko. Hindi naman moves siguro pero siguro naman gets niyo.

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon