Shangri-la Hotel
Makati
9:00amKelso: What time is it?
Tanong niya sa 'kin. Hindi pa rin niya minumulat mga mata niya. Kinuha ko ang cellphone ko sa may tabi ng bed at tiningnan ang oras.
Jake: Kaka-9:00 o' clock lang.
Mga lampas 6:00 am na rin kami naka-balik dito sa hotel matapos naming ma-settle na si Taylor na ayaw pa ring umalis ng hospital para makapag-rest naman kahit saglit lang na tulog.
Kelso: Sleep is sooo bitin.
Hinigpitan ni Kelso ang pagkaka-yakap niya sa 'kin.
Jake: Eh di matulog ka pa.
Kelso: Your Mama left a note na breakfast daw tayo ng 9:00 am sa Circles.
Jake: Siguro naman maintindihan na tayo ni Mama kung di na tayo bumaba muna.
Binuksan na ni Kelso ang mga mata niya at inangat ang ulo niya nang bahagya para makipag-eye contact.
Kelso: Nakaka-hiya kaya kay Tita— Saka this is one of those rare ocassions na you guys are all here. So we should like—
Jake: Oo na po—
_ _ _
Na-alala niyo yung na-mention ko kagabi na may nangyari sa Gala Dinner na saka ko na lang iku-kuwento? Ganito kasi yon.
Rizal Ballroom
Shangri-la Hotel
Makati
Saturday
8:13 pmRoss: Wow Jake, you clean up nicely, bro!
Bati sa 'kin ni Ross pagka-dating ko sa standby area after ko mag-bihis para sa fromal wear segment ng fashion show. Suot ko yung tux na dinesign ng Tito Dezi. Sina Ross at Jaydee naman naka-all white sportswear mula sa track pants, jacket, sando, at shoes. Siempre nagpa-dagdag angas sa look niya yung cap na pina-suot kay Jaydee.
Jake: Parang ang dungis-dungis ko naman tingnan sa araw-araw sa pagkaka-sabi mo niyan, Ross.
At para bang hindi niya 'ko nakitang suot yung suit na pina-sadya ni Kelso para sa 'kin kanina —magkasama pa nga kami nagpa-picture sa tapat ng photo wall. Pero sa totoo lang, kahit ako, di maka-paniwala sa hitsura ko kanina pag-harap ko sa salamin.
Ross: No, bro. I mean, that is one fine tux. Iba pa yan sa suot mo kanina, right?
Yun naman pala.
Jake: Sponsored.
Saktong dating ni Kelso. Nagulat ako nang may suot na siyang ID na may naka-print na MEDIA PASS.
Kelso: I can't believe they're making him wear that.
Hindi pa rin maka-get over sa inis niya sa tux na dinesign ng Tito Dezi si Kelso.
Jake: Ayan ka na naman... Tigilan mo na, baka may ibang maka-rinig sa 'yo.
Malambing kong saway sa kanya.
Kelso: I won't be caught dead wearing that even if bayaran mo pa 'ko ng like one million pesos.
Goz: So, huhubarin ko na rin ba 'to?
Sabay naman ni Goz. Oo nga pala, design rin ng Tito Dezi ang suot na tux ni Goz.
Kelso: Siguro just make gupit the sleeves tapos just show off your arms.
Sabay tapik sa brazo ni Goz. Napatigil si Kelso habang tini-titigan ang suot ni Goz.
Kelso: That beadwork is sooo 1990s!
Napa-lingon si Goz sa isang taong sumilip sa standby area.
BINABASA MO ANG
The Coño Boy 4: Jake
RomanceWhat happens when you get your heart broken? When the one you have loved all your life chooses someone else... Where do you start? The Coño Boy Series