Chapter 51: Namamasko Po

843 42 17
                                    


Bahay Ordoveza [Doña Idang's]
Poblacion
Bayang Pinagpala 
25th December
Christmas Day
11:47 am

Kelso: Why do you have that look on your face?

Ramdam ko yung concern sa boses ni Kelso.

Jake: Huwag na kaya tayo tumuloy?

Tanong ko sa kanya habang naka-tingin sa mga baitang ng hagdanan paakyat sa mataas-na-bahay ng mga Ordoveza sa may gilid ng simbahan.

Kelso: Huh? Tita Agnes and Tito Ramon went up the steps na, Duh! You're expected to make sunod. Di ba you're supposed to have Christmas Day lunch at your Lola Idang's?

Jake: Alam ko, pero—

Kelso: Pero what?

Irita niyang tanong sa 'kin.

Jake: Pag December 25 kasi, nariyan din ang mga relatives ng Doña Idang. Yung ibang mga Ordoveza.

Paliwanag ko naman sa kanya.

Kelso: Ohhhh...

Jake: Kaya kanina ko pa sana gusto sabihin sa Mama na ayoko na sumama.

Dahilan ko pa.

Kelso: Well, if you don't go up those steps, Tita Agnes will be disappointed. And besides, no matter how you make iwas, you're gonna have to face them all again eventually.

_ _ _

Bahay Ordoveza [Doña Idang's]
Poblacion
Bayang Pinagpala 
25th December
Christmas Day
11:55 am

Siguro inabot ba kami ng mga 5 minutes sa baba bago ko sinabing akyat na kami ni Kelso.

Sabay kaming umakyat ni Kelso. Sa hagdan pa lang marami na akong naririnig na mga boses galing sa taas. Aaminin ko, kina-kabahan na talaga ako kanina pa. Pagka-pasok namin sa may malaking pintuan, kanya-kanyang kumpulan ang mga visita.

Nag-lakad kami papunta sa malaking sala, hina-hanap ko si Mama o ang Tatay.

Doña Idang: Jake, mijo, finally you're here! And Kelso, dear boy, you're here too! What a lovely surprise!

Bati namin ng Doña Idang habang papa-lakad siya papunta sa 'min.

Jake: Merry Christmas! Mano po.

Hiningi ko ang kamay niya at inabot naman niya sa 'kin.

Doña Idang: Bless you, hijo. And a Merry Christmas to you.

Kelso: Mano po.

Sumunod naman si Kelso.

Doña Idang: It's so nice that everyone's here!

Parang battery na laging puno itong si Lola Idang. Hindi halatang nag-puyat sa Noche Buena sa 'min kagabi. May suot pang umi-ilaw na mga parang bumbilyang kuwintas —hindi mo aakalaing nasa 80 plus na siya.

Jake: Nasaan na po sina Mama?

Tanong ko sa kanya.

Doña Idang: I believe Agnes and Ramon are with Doray somewhere. Nasa azotea na ang ibang mga visita. You boys best head there, lunch will be served there soon.

Jake: Kayo po, saan kayo papunta?

Doña Idang: I just have to get something from my room.

Jake: Tulungan ko na po kayo?

Alok ko sa Lola Idang.

Doña Idang: No need, my dear boy. It's nothing heavy. Go, enjoy the company of people, it's Christmas!

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon