Jc's POV
"Insan! Gumising ka na tanghali na!" Sigaw ko kay insan. Sanay na ko diyan, madalas kase 'yang hindi nag aalarm clock kase nga tinatamad siya. Kahit kailan talaga tamad 'yang babaeng yan.
"Oo na eto na, tumatayo na nga eh ohh!" Sigaw din niya. Kaya naman bumaba na ko at naghantay, halos lahat kami nakagayak na siya nalang ang hindi. Maaga pa naman kaya pwede pang mag kwentuhan.
"Jc" tawag sakin ni Jerson.
Lumingon naman ako sa kanya. "Baket?" Na sa salas kami ngayon at naghihintay kay insan.
"Kwentuhan mo naman kami tungkol sa inyo ni Gab" nakangiting sabi niya.
"Baket?" Tanong ko uli.
"Baket ka ng baket, magkwento ka nalang kase, para kasing sobrang close nyo ni Gab eh" singit ni Christian. Lahat sila ngayon nakatingin sakin, naghahantay sa kwento. Napatingin ako kay Jules pero nag iwas siya ng tingin, bakit kaya?
"Sige sige" pilit na sagot ko, tutal 5:00 palang naman. "Magkapatid ang mga magulang namin. Mula bata hanggang nung gum-raduate ako ng elementary magkasama na kami sa iisang bahay, sa bahay niya" simula ko.
"Huh?" - Kyle
"Bahay ni Gab?" - Christian
"Bata palang may bahay na siya?" - James
"Oo, bahay niya. Sa kanila kase bata palang kailangan may bahay na." Sagot ko sa kanila.
"Ahh" - Mike
"Bakit daw?" - Christian
"Hindi ko din alam ehh, marami kase akong hindi maintindihan sa pamilya nila. Tapos napaka misteryoso pa nung mga magulang niya" tumatango tangong ani ko.
"Pano mo naman nasabi?" Tanong ni Mike.
"Ehh kase laging wala yung magulang niya, mga katulong lang ang kasama namin. Yung mga magulang ko kase kasama ng kanya. Sa twing tatanungin ko sila kung saan sila pumupunta, madalas na sagot nila sa trabaho daw. Ni ayaw nga nilang sabihin sakin kung ano trabaho nila. Hindi ko lang alam kung alam ni insan ang trabaho ng mga magulang namin"
"Pati ako naku-curious na eh" sabi ni Christian.
"Lahat ng pinsan ko lalaki si insan lang ang nag iisang babae, pero siya ang pinaka malapit sakin. Mula bata ako siya lang ang kausap, kalaro, karamay at katulong ko sa mga assignments sa school" kwento ko habang binabalikan ang nakaraan.
"Ano naman nilalaro niyo?" Tanong ni Jerson.
"Barbie!" Biglang sigaw ni insan kaya nagtawanan naman ang lahat, pwera sakin at kay Jules syempre.
"Insan naman..."
"Bwahahahahahhaha"
"Seryoso tol? Barbie talaga?" Natatawa tawang tanong ni Christian. Pero hindi ko nalang sya pinansin.
"Oo, tsaka baril" bigla nalang silang tumigil kakatawa at tumingin kay insan na ngayon ay nagsusuklay pa ng buhok.
"Huh?" - Kyle
"Anong ginagawa niyo sa barbie at baril?" Tanong na naman ni Jerson.
"Edi binabaril namin yung barbie" simpleng sagot ni insan na tapos na magsuklay.
"Ohh poor little barbie" si Kyle yan siyempre, english eh.
"Bakit niyo binabaril? Dapat diba naglalaro lang kayo ng barbie? Bahay bahayan?" - James
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Teen FictionLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...