Chapter 68

13.4K 578 59
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Gab's POV

7:30 na pero nakahiga pa rin ako dito sa loob ng kwarto ko. Eh pa'no kasi iniisip ko parin si Shades. Pagdating kasi namin sa bahay kahapon hindi niya ko tinitingnan. Ang duga niya!

Kung alam ko lang na hindi niya ko papansinin pagkatapos kong umamin edi sana hindi ko na lang 'yon ginawa.

Gumulong ako sa kama at saka ko sinabunutan ang sarili ko. Nakakaasar. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang makita. Gusto ko ako lang ang tinitingnan niya at wala ng iba.

Wahhhh, nababaliw na ko. Bwisit ka Shades! Nababaliw na ko sayo!

Kung bakit ba kasi puro iwas ka ng tingin. Lagi pang utal.

Tumayo ako sa kama ko pero ng maalala ko na makikita ko siya mamaya bigla kong naisip na baka hindi na naman niya ko pansinin. Ba ka hindi na naman niya ko tingnan. Ayoko na lumabas!

*tok tok tok*

Mabilis akong napabangon ng marinig ko ang tatlong magkakasunod na katok sa pinto ng kwarto ko. At sino naman 'to?

Si Shades kaya? Wahhhhh.

Dali dali akong naglakad palapit sa pinto, bubuksan ko na sana 'yon ng may pumasok sa isip ko.

Hindi nga pala niya ko pinapansin, impisibleng siya yung nasa likod ng pintong 'to. Pero... umaasa pa rin ako.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at ng makita ko kung sino ang nasa likod no'n. Napabuga nalang ako ng hangin at bored na tumingin dito.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko kay insan. Tsk, puro kasi Shades ang nasa isip ko. Nakakabaliw!

"Alas-otso na kaya. Ikaw nalang ang hinahantay do'n, hindi pa sila nagsisimulang kumain dahil wala ka pa" sabi niya pero tinitigan ko lang siya. "Ano na naman 'yan insan?" Tanong niya ng makita niya kong nakatingin lang sa kaniya.

"Wala, 'wag mo nalang akong pansinin" sabi ko nalang sabay pasok sa loob ng kwarto ko. Sumunod naman siya sakin. Bigla akong humarap sa kaniya na ikinagulat niya. "Nando'n ba siya?" Tanong ko sa kaniya na pinagtaka niya.

"Sino?"

"Si Shades malamang!" Mabilis na sagot ko na lalo niyang ipinagtaka.

"Ano ba talagang nangyayari sayo? Kasasabi ko lang na ikaw nalang ang hinihintay kaya malamang nando'n na siya, tsk" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Hala, ba ka mabasa niya yung nasa isip ko. Umiwas ako ng tingin at saka umupo sa kama. "May nangyari kahapon noh?"

Pinanliitan ko naman siya ng mata dahil sa tanong niya. "Kahapon?" Maang-maangang tanong ko. Bigla naman siyang ngumisi, ano namang ibig sabihin no'n?

"May napansin kasi ako kay Jules kahapon. Habang nauusap-usap kami nakikinig lang siya, hindi siya nagsasalita. Matagal siyang nakatulala. Lagi rin siyang lutang. Parang ang lalim ng iniisip" sabi niya at saka tumuro sakin. "Bahala ka kung ayaw mong---"

Kinuha ko yung unan ko at saka ko yon itinakip sa muka ko bago ako sumigaw. "BWISIT!"

"Kanina siya ang pinaka unang nakita ko sa salas. Hindi siya madalas lumalabas sa kwarto ng ganung oras lalo na kung wala siyang kasama. Nung nakita ko siyang nakaupo sa sofa, nakatulala lang siya. Hindi siya madalas---"

"Umamin ako sa kaniya kahapon" pigil ko sa kaniya. Bigla namang nanlaki ang mga mata niya.

"Sinabi mong gusto mo siya?" Gulat na tanong niya na inilingan ko.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon