A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊
Jules' POV
Nagtaka kaming lahat ng biglang sabihin ni John na h'wag daw dalhin yung kapatid niya sa hospital. Muntik pa nga silang magsuntukan ni Jc kanina dahil gusto ni Jc na ipasama ang pinsan niya sa ambulansya. Pero sa huli pumayag na lang siya sa gustong mangyari ni John dahil wala na siyang magawa.
Si John nalang daw ang gagamot sa kapatid niya.
Kaya si Manang Jeni lang ang nasa hospital ngayon. Walang kasama si Manang Jeni ngayon do'n dahil gabi na at may pasok pa kaming lahat bukas.
Naglakad nalang ako papunta sa kwarto namin at naupo sa kama ko. Tahimik silang lahat, lalong lalo na si James. Ni hindi ko pa siya nakikitang ngumingiti mula kaninang umaga, bagay na hindi pa nangyayari dati.
Lumingon siya sa 'kin at tiningnan ako ng sobrang lungkot.
"Nami-miss ko na si Ate" bulong niya pagkatapos ay humiga na siya at natulog.
Napahinga ako ng malalim at napatingin sa kisame habang nakahiga ako at nakapatong ang braso ko sa noo. Ilang minuto akong nasa ganong posisyon bago ko maisipang matulog. Pero bago ko ipikit ang mata ko, siya at siya lang ang nasa isip ko.
-
-
-
Kanina pa kami naghihintay sa classroom pero hanggang ngayon wala pa ring teacher na pumupunta kahit isa. Hindi nga namin alam kung bakit naglalabasan na yata lahat ng estudyante eh.
"Nanjan na si Sir" bulong ni Jake kaya napatingin kaming lahat sa pinto. Pawis na pawis si Sir Sarmiento, mukang ang layo ng tinakbo niya.
"Sorry late ako" hingal na hingal na sabi niya. Tumingin siya saming lahat at huminga ng malalim. "Wala ng klase ngayon dahil sa nangyari" nagmamadaling sabi niya.
"Ano ang nangyayari Sir?" Tanong ni Christian.
Tumingin naman sa kaniya si Sir bago mag salita. "May nagtext kanina sa Dean..." Tapos bigla siyang tumingin sa 'ming lahat. "May bomba raw dito sa school at sasabog 'yon mamayang 10:00, kaya ngayon palang ay pinauuwi na ang lahat ng estudyante" paliwanag niya.
"Pano kung hindi totoo 'yun Sir? Ba ka gawa gawa lang 'yun ng isang estudyante na tamad pumasok" sabi naman ni Jc kaya napalingon sa kaniya si Sir.
"Sinabi na rin 'yan kanina ng kasama namin pero totoo man 'yon o hindi, kailangan pa rin nating mag-ingat"
-
-
Heto kami ngayon at nakasakay na sa van, si Dave ang driver.
"Parang ayoko ng sumakay sa van" biglang sabi ni James kaya naman nagtaka kaking lahat.
"Bakit naman?" Tanong ni Christian na nasa tabi ko.
"Eh kasi t'wing nasa van tayo at ganito ang scene lagi nalang may masamang mangyayari, kung sino sino ang dumadating para lang saktan tayo" mahabang sagot ni James kaya napatahimik kami. Walang nagsasalita hanggang makarating kami sa bahay ni you-know-who.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Fiksi RemajaLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...