A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊😊
Gab's POV
"Sasabihin mo o hindi?" Nanggigigil na tanong ko habang hawak kwelyo ng damit niya. Lalong lumawak ang ngisi niya bago sumagot.
"Sa tingin mo talaga sasabihin ko sayo ha?"
Inis ko siyang binitawan at tiningnan ng masama. Naasar na ko. Babalikan ko nalang siya bukas kapag napa-hack ko na yung cellphone niya.
Naglakad na ko papalabas ng basement ng magsalita ulit siya.
"Salamat nga pala sa paggamot sakin"
Hindi ko siya nilingon pero sinagot ko siya.
"Wala 'yon, tsk"
Paglabas ko ng basement ay padabog kong sinara ang pinto, walang makakarinig no'n dahil nasa loob pa ng training room ang basement. Doon ako nagte-training mag-isa kapag gusto ko. Nakatago ng lugar na 'to at hindi madaling makita. Naglakad ulit ako at malakas na sinuntok ang punching bag na nasa harap ko. First time kong ginawa 'yon at first time rin akong nabigo. Whew.
Naglakad ako papunta sa pinto ng training room. Kung titingnan mo ang pinto na 'to, wala 'tong door knob. Wala ring kahit ano kaya hindi mo agad malalaman kung pa'no ito bubuksan. Idinikit ko ang kamay ko sa mismong pinto at agad nitong nakuha ang fingerprint. Lumabas sa gilid ang code at agad ko namang nilagay ang mga number na hindi naaalis sa isip ko. Bumukas ang pinto kaya lumabas na 'ko.
Makikitang ang pinto na 'to sa labas ay katulad din sanasa'n walang kahit ano maski doorknob. Isinara ko na ito at saka lumabas sa katapat nitong pinto. Tama, pinto pa rin ang kasunod nito, pero iba tong pinto na 'to dahil isa itong painting. Lumabas na ko rito bago pa magtaka ang mga kasama ko kung nasaan ako, at saka ba ka hinahanap na rin ako ni Mike
Pagdating ko sa salas ay kaunti nalang silang nanonood do'n. Nilampasan ko sila at parang hindi nila ako napansin dahil ang busy nila. Nice.
"Gab" biglang tawag ni Mike sa 'kin kaya napatingin ako sa kaniya. Lumapit siya sa 'kin, galing siya sa kwarto nila Shades. "Hinahanap mo raw ako?"
"Oo, may ipapagawa sana ako e. Kung ayos lang?"
"Ano ba 'yon?" Nginitian ko siya at sinabi kong sundan niya ko. Pagdating namin sa kwarto ko ay pinatigil ko siya saglit at saka ko kinuha yung cellphone ni Yaya Lani. Inabot ko 'yon sa kaniya. "Anong gagawin ko dito?" Nagtatakang tanong niya. Pinasadahan niya ng tingin ang bagay na 'yon na para bang ngayon lang siya nakakita nito. "Ano ba 'to?" Tanong niya na muntik ko ng ikatawa.
"Cellphone 'yan" agad siyang napatingin sa 'kin na para bang isang biro ang sinabi ko pero ilang sandali lang ay napatango tango na siya.
"Ngayon lang ako nakakita nito, galing ba 'to sa future?" Tanong niya ulit pero inilingan ko nalang siya.
"Cellphone 'yan ni Yaya Lani, gusto ko sanang i-hack mo 'yan. Sabi kasi nila mahilig ka raw sa mga computers at magaling ka raw mang-hack ng mga gadgets kaya sa'yo na 'ko lumapit. Hehehe, sana magawa mo 'yan ng mas matulin, kailangan ko na kasi e" sabi ko sa kaniya. Tiningnan niya ko at mukang hindi niya ko tatanggihan, ayos!
"Sige, sasabihan nalang kita kapag nagawa ko na" sabi niya bago umalis. Alam kong nagtataka siya kung bakit gusto ko 'yong ipa-hack sa kaniya. Alam ko rin na alam niya na may gusto akong malaman kaya ko 'yon gagawin. Hindi ko nga lang masabi sa kaniya kung ano 'yon. Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa kanila 'yon.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Teen FictionLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...