A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊
Gab's POV
Nung iniwan ko si insan sa kwarto nawala na ang ngiti sa muka ko. Naglakad ako papunta sa salas kung saan nando'n sila James. Umupo alo sa bakanteng sofa at saka tumingin sa front door. Hahantayin ko si Mr. Laurent.
Ang totoo niyan, hindi ko talaga alam kung papayag na siya sa plano ko. Nasa batas kasi ng mga agents na bawal kumilos hanggat walang sinasabi ang amo. Kailangan munang iutos ng amo ang gagawin bago kami kumilos. Kaya mamaya pag dating niya, sasabihin ko sakaniya ang lahat at pipilitin ko siya hanggang pumayag siya sa plano ko.
Kapag hindi sumunod ang isang agent sa patakaran na 'yon ay pwede siyang patalsikin sa pwesto o gawing pinaka mababa sa ranking. Depende 'yon sa kung ano ang ginawa mo. Kung malala ay pwede kang maalis sa organisasyon. Bawal ka ng gumawa ng kahit ano o kumilos ng parang isang agent. Sa madaling salita, normal na tao ka nalang.
Napatayo ako ng biglang bumukas ang pinto. Nagtaka tuloy ang mga kasama ko kaya napatingin din sila sa pinto. Nang tuluyan 'yong bumukas at nakita na ang panauhin ay tumayo na rin sila at sabay sabay na yumuko.
"Good afternoon, Mr. Laurent" sabay sabay na sabi nila. Tinanguan sila nito habang nakatingin sa mga maga ko. Naglakad siya palapit sa 'kin at yumuko bago magsalita.
"Anong kailangan mong sabihin at kailangan mo pa akong papuntahin dito, Ms. Smith?" Magalang na tanong niya, ang seryoso ng muka niya.
Pinilit kong ngumiti at yumuko rin sa kaniya bago magsalita. "Itutuloy ko po ang plano---"
"Sinabi ko naman na h'wag na diba?!" Pigil niya sa sasabihin ko. Yumuko ako at pinakinggan pa ang sunod niyang sasabihin. "Alam kong mapapanganib ang mga taong 'yon, ayokong may madamay. Pa'no kung mapahamak ka? Edi ako pa ang may kasalanan??" Tiningala ko siya ng sabihin niya 'yon.
"Hindi kayo ang may kasalanan kapag napahamak ako, Mr. Laurent" mahinang sabi ko. Nakita kong nagsi-alisan na ang mga kasama ko, pero sigurado akong makikinig din ang mga 'yan. Tiningnan ko si Mr. Laurent at hindi mukang naguluhan siya sa sinabi ko. "Hindi ko lang 'to ginagawa para sa inyo Mr. Laurent. Ginagawa ko rin 'to para sa anak niyo. Mahal ko ang anak niyo!" Natigilan siya ng sabihin ko 'yon, hindi niya inaasahan na 'yon ang sasabihin ko.
"Mahal?" Tanong niya. "H'wag mong gawing dahilan ang pagmamahal para lang payagan kita Ms. Smith" seryosong sabi niya pero inilingan ko lang siya.
"Seryoso ako Mr. Laurent. Maraming saksi, nanjan silang lahat" sabay turo sa mga kaklase kong nakasilip mula sa dining area, napa-tago tuloy sila.
Napatigil sa pagsasalita si Mr. Laurent. Nakatingin lang siya sakin. Mukang hindi niya alam ang sasabihin kaya umupo muna siya sa upuang nasa harapan ko. Umupo naman agad ako para magpantay kami. Napahawak siya sa ulo niya bago ulit tumingin sakin.
"Sabihin na nating nagsasabi ka ng totoo, pero may mapapahamak pa rin" pagmamatigas niya.
Umiling ako at saka kinunutan siya ng noo. "Yung asawa niyo? Si Mrs. Laurent?" Tanong ko na ikinagulat niya. "Alam ko na Mr. Laurent, tinatago siya ni Bernadette at ginagawang pam-block mail sa inyo. Pero hindi sapat na dahilan 'yon! Kaya niyong lumaban, kaya nating lumaban. Hindi natin kailangang maduwag sa mga kalaban dahil mas malakas tayo sa kanila" dugtong ko pa.
Napatawa siya ng mahina at napailing. "Siguro nga tama ka. Naduwag ako. Ayokong masaktan si Jules at lalong lalo na ang asawa ko. Pero pa'no ko sila lalabanan?"
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Novela JuvenilLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...