JC's POV
Nakarating na kami sa dorm at halos natutulog na lahat ng kasama namin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong naisipan na pumunta sa balcony.
Naaalala ko pa ang papel na 'yon, yung napulot ko na may nakasulat na 'we will take revenge' hanggang ngayon yun parin ang gumugulo sa isip ko. Yung mga naka itim na lalaki na sumugod samin dati, posible kayang sila yon?
Kung sila ngayon, ano naman ang pinaghihigantihan nila?
Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa labas. Napatanaw ako sa puno dahil para bang may nakita ako dong ilaw. Tama nga ako, may ilaw na kulay pula sa likod ng puno. Ano naman yon?
Habang tini tingnan ko yon ay para bang nakatingin din ito sakin.
"Nakita mo din yon?"
Bigla nalang may nagsalita sa likod ko kaya naman napatingin ako dito. Si Jules pala. "Alam mo ba kung ano yon?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at tumingin sa akin.
"Ilang beses ko na yang nakikita pero... hindi ko parin alam kung ano yon. Minsan nga iniisip ko na nakatingin yon sakin. Minsan naman iniisip ko na isa lang yong pulang ilaw" tila nag kukwentong ani niya.
Tumingin uli ako sa puno pero wala na yung ilaw na nakita ko don. "Wala na yung ilaw" bulong ko.
"Sa tingin ko hindi yon ilaw" ha?
"E ano yon?" Nagtatakang tanong ko.
"Mata" parang sigurado na siya na mata talaga yon. Kung hindi ko kilala si Jules ay ba ka pag isipan ko siya na nasisiraan ng ulo. Matalas ang pakiramdam niya na kahit maliliit na bagay ay naaalala niya, hindi siya madaling makalimot.
"Mata?" Tanong ko.
"Kapag tinitingnan ko yon ay para iyong naka tingin sa akin, hindi mo ba napapansin?" Seryosong ani niya.
Kanina, tama pakiramdam ko sakin yon nakatingin kanina. "Kung mata nga 'yon, sino naman yon?"
"Hindi ko alam..." Yun lang at umalis na siya. Hindi na rin ako nagtagal sa balcony at sa halip ay natulog nalang.
*****
Nandito kami ngayon sa room. P.E. ngayon kaya naman nagpapalit na kami ng damit. Bumalik na si insan galing sa girl's comport room. "Insan, akalain mo yon? Bagay pala sayo 'yang p.e. uniform hahahah" pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Para kasi siyang ewan sa suot niya, muka siyang bagong gising. Tshirt na white na may stripes na black sa baba tsaka logo sa upper right corner, tapos black na jogging pants na may stripes din na white sa baba. Bakit ba ang hilig nila sa stripes?
Pagpasok namin sa gym hindi ko inaasahan ang mga tao na makakalaban namin. Ang section D, section yan nila Enriquez. Kapag mamalasin ka nga naman.
"Oy Jc!" Tawag sakin ni Reynald.
Tsss. Sinasabi ko na nga ba. "O Enriquez, hindi ko inaasahan na kayo pala ang makakalaban namin" nakangiting sabi ko.
"Ako din e, good luck!" Nakangising sabi niya. Tsk, good luck sa inyo.
Basketball ang laro namin ngayon. Si Jules, Christian, Jerson, Kael at ako ang unang maglalaro. Tinignan ko naman si insan, nakaupo lang siya sa mga upuan sa gym kasama ang iba naming kaklase at nanonood. "Panoorin mong maglaro ang isang Jc Smith" nakangising ani ko sa kanyan.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Teen FictionLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...