Jerson's POV
Bagong problema na naman. Bakit kailangang ngayon pa nila kidnap-in si Christian e pwede namang bukas?
Kung alin pa talaga ang maggigitara at magse-second voice, yun pa talaga ang pinuntirya. Eh pwede namang si Dave nalang tsk.
"Pano na yan?" Malungkot na tanong ni James.
Rinig na rinig pa rin ang mga sigawan ng mga estudyante dahil nagpapapogi pa ang bwisit na bagong bokalista ng lions. Ang yabang yabang niya, parang sigurado na siyang sila ang mananalo ah.
"Kapag tumugtog sila ng kulang, hindi na magiging perpekto ang performance nila" singit ni Kael.
"Baka ito na ang unang pagkakataong matatalo tayo" iiling iling na ani naman ni Jake.
*kring kring*
Tumunog na naman ang cellphone ni james, at sa pangalawang pagkakataon, si Boss ulit ang tumatawag. Tiningnan kami ni James at tsaka tumango. Nagtipon tipon ulit kami gaya ng kanina para hindi kami marinig ng ibang section. Ni-loud speaker na din ni James ang cellphone niya.
["Magbaback-out nalang kami. Kung may kulang daw na nakalista na sa permit, automatic disqualify na ang banda"] paliwanag ni Boss.
"Kaasar!" Singhal ni Jason.
"Bakit kasi kailangan pang mawala ni Christian ngayon" bulong ni Dave.
"Wala na bang ibang paraan?" Nagba-baka sakaling tanong ni James.
["Meron pa..."] Pinutol ni Boss ang sasabihin niya at tsaka nagbuntong hininga.
"Ano?" Tanong ko. Sana naman may pag-asa pa kaming makasali.
["Hindi madi-disqualify ang banda kung may papalit sa kulang"]
"Sayang!" - Jason
"Ano ba yan!" - Kael
"Pano na 'yan? Wala ng sanay satin maggitara" nakangusong ani ni James.
"Tsaka kung si James ang magse-second voice, baka bumagyo" hirit ni Dave.
"Baliw ka!" - singhal ni James dito.
["Yun na nga eh, wala ng may kaya at sanay na maggitara't kumanta sa inyo. Kaya magbaback-out nalang---"]
"WAG!" Sigaw ni Gab kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya. Napakamot siya sa ulo niya at napangiti.
"Pero wala na tayong pag-asa. Wala ng sanay maggitara at kumanta" nagtatakang sabi ni Jason.
"Meron" sabi ni Gab.
Meron?
"Sino?" Sabay na tanong ni James at Dave kaya nagkatinginan silang dalawa.
"Ako" sagot ni Gab.
Sabi na nga ba eh! Hindi naman magkakaroon ng music room sa bahay niya kung hindi niya kayang tumugtog. Lalo na't wala namang tao sa bahay niya kundi yung mga katulong. Imposible namang yung mga yaya ang gumagamit non.
["Sigurado ka bang kaya mo?"] Tanong ni Boss. Napangisi si Gab at napatango tango na para bang nakikita siya ni Boss.
"Syempre naman, ako pa" sagot niya.
"Tsk! Ayan na naman si yabang" parinig ni Dave sabay irap. Dati naman siyang ganiyan pero hindi siya umiirap. Iba talaga ang epekto ni Gab sa section F.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Teen FictionLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...