Chapter 29

19.9K 766 145
                                    

Dave's POV

"Oo na 'wag kayong maingay!" Pagbabawal ni Carla sa mga estudyanteng todo makasigaw. "Pano nating maririnig ang performance nila kung ganyan kayo?" Dugtong pa niya.

"Ano handa na kayo??!" Sigaw na tanong ni Carla sabay tapat ng mic niya sa mga audience.

"Oo!!!" Malakas na sigaw namin at tumahimik na para makapag simula na ang banda ng section namin.

Huminga silang lahat ng malalim, kinakabahan sila. Hindi pa kasi nila napa practice ang kakantahin nila kaya ba ka mahirapan sila. Hindi rin nila alam kung ano ang kakayahan ng mayabang na Gab na 'yon. Tss.

Nang-pumadyak ng dalawang beses si Boss, nagsimula na silang tumugtog.

"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan, pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?" Pagsisimula ni Boss. Walang nagbago sa boses niya, malamig pa rin tulad ng dati. Habang kinakanta niya ang linyang 'yan, nakayuko lang siya.

"Kung hindi ikaw ay hindi na lang
pipilitin pang umasa para sating dalawa" nang marinig ng lahat ang boses ni Gab, agad na nag react ang lahat. Kasama ako, hindi ko inaasahan na ganon pala ang boses niya. Hindi siya nagyayabang kung wala siyang ipagyayabang. Dinaig pa ng boses niya ang mga anghel. Tapos ang galing din niyang maggitara.

"Giniginaw at hindi makagalaw,
nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw" Nang kantahin ni Boss ang linyang 'yan nakatingin na siya kay Gab. Mukang nagulat din siya sa boses ni Gab. Pero si Gab? Nakayuko lang siya at nakatingin sa paa niya.

Tumindi ang hawak niya sa gitara dahil magsasabay na sila ni Boss sa pagkanta. Unti unting tumaas ang tingin niya bago kantahin ang sunod na linya.

"Kung di rin tayo sa huli
aawatin ang sarili na umibig pang muli" pagharap ni Gab kay Boss, hindi na ito nakatingin sa kaniya. Bumalik siya sa pagtingin sa kung saan. "Kung di rin tayo sa huli
aawatin ba ang puso kong ibigin ka?" Umiling iling si Gab matapos kantahin ang linya niya. Bumalik nalang din siya sa pagtingin sa paa niya. Ang weird nilang dalawa.

Nagtagal pa ang pagkanta nila at parang mas ginaganahan sila Jc sa pagtugtog dahil sa galing kumanta ng dalawa. Pero hindi pa rin nagtitinginan yung dalawa.

Kahit hindi sila nakapag practice, parang alam na alam na nila ang galaw at kakayahan ng bawat isa. Tapos isama pa yung blending ng boses ni Gab at Boss, bagay na bagay.

Hanggang sa malapit ng matapos ang tugtog, hindi parin nagkakatagpo ang mga mata nila. Kapag kasi titingin si Gab, hindi nakatingin si Boss. Kapag naman si Boss ang titingin sa kaniya, hindi naman nakaharap si Gab.

"Kung di rin tayo sa huli
(Kaya bang umibig ng iba?) Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?" Habang nag sesecond voice si Gab, sinubukan niyang tingnan si Boss pero di gaya kanina, hindi na niya iniwas ang tingin niya dito. Parang hinahantay niya na tumingin sa kaniya si Boss.

"Kung di rin tayo sa huli
(Papayagan ba ng puso kong...)
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?" Ng kantahin nila ang linyang 'yan, nakatingin pa rin si Gab kay Boss. Hanggang sa.... sa..... Tumingin si Boss sa kaniya at nagkatinginan sila ng mga 3 seconds tsaka sila sabay na umiwas ng tingin, saktong tapos ng kanta.

"Wahhhhhhh!!!!" Sigaw ng karamihan.

"Kinikilig ako! Hahahahaha!" Sigaw ni James habang namumula ang pisngi at tumatalon talon. Para siyang bakla.

Nagpapalakpakan at nagsisigawan ang mga tao sa loob ng gym kaya hindi ko maiwasang takpan ang tenga ko. Napaka ingay! Feeling ko masisira na ang ear drums ko!

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon