Chapter 61

15.6K 640 86
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Gab's POV

Dumeretso agad ako sa kusina at inilagay ang mga pinamili sa tama nitong lalagyan, hindi ko nga dapat 'to gagawin kasi tinatamad ako pero kung tatamadin agad ako rito pano pa 'ko makakapag kwento mamaya diba? Yun pa naman ang inaabangan ni James kaya nagmadali kaming umuwi kanina. Gustong gusto talaga niyang malaman kung sino talaga si Lily, edi sasabihin ko na sa kaniya para wala ng tanong tanong.

Pagkaligpit ng mga pinamili namin ay dumeretso agad ako sa salas, nagulat ako ng nandon na silang lahat at nakaupo na sa mga sofa. Parang hinihintay talaga ako, at halatang mga bagong gising pa sila. Eh?

Nilingon ko si James na ngayon ay nakangiti na sa likod ko.

"Sinabi ko kasi sa kanila na ikukwento mo samin yung tungkol sa Lily na 'yon ate, hehehe. Nagtext ako sa kanila nung pauwi na tayo" at saka siya nag peace sign.

Tsk, pero ayos na rin. Atleast hindi na ko mahihirapang tawagin sila.

Umupo ako sa tabi ni Jerson dahil do'n lang may space, nagtabi tabi kasi yung mga loko. Si Shades naman, nasa harap ko. Hindi siya sakin nakatingin kundi kay Jerson.

Hindi ko nalang yun pinansin at sa halip ay sinimulan nalang ang pagku-kwento sa kanila.

Nakita ko pang naghikab si Dave habang nag-aabang sa iku-kwento ko, pwede naman kasi siyang matulog kung ayaw niyang makinig sakin. Hindi ko naman siya pinipilit. Tsk.

"Gaya ng sabi ko, kapatid ni Lara si Lily" panimula ko, nakita ko naman ang pagkakaron nila ng interes sa sinasabi ko. Lalong lalo na si Shades na naka suot na ng shades. Kagigising palang niya eh, may nakikita kaya siya? Ang dilim kaya ngayon dahil dim lights lang ang nakabukas, ang aga pa nga kasi.

Anong klaseng mata ang meron siya?

"Lara Wood at Lily Evans, 'yan ang mga pangalan nila. Magkaiba sila ng tatay pero pareho sila ng nanay, half sisters sila. Mas matanda si Lily ng dalawang taon kay Lara, mula bata sila hindi sila nagkasundo. Kahit sa maliliit na bagay lang. Nung mga panahon na 'yon, nakilala ko si Lily dahil isa rin siyang agent kagaya ko"

"Kaya pala parang kilalang kilala niyo ang isa't isa kanina" biglang sabi ni James kaya napatingin ang lahat sa kaniya. Bigla namang nanlaki ang mga mata niya. "Bakit? Hindi naman ako umutot ah?"

Agad naman siyang binatukan ni Jake. "Tanga, sumeryoso ka nga" sabi niya kay James.

"Ibig sabihin nakita mo na si Lily ng personal?" Gulat na tanong ni Mike.

Napakamot naman ng ulo si James at saka nginitian ang mga kasama namin. "Oo hehehe, kanina lang nung nasa supermarket kami ni ate" sagot niya.

"Kung agent siya bakit kalaban din natin siya?" Takang tanong naman ni Jason. Tiningnan ko siya at saka sinagot ang tanong niya.

"Wala naman akong sinabi na kalaban siya ah? Teka lang kasi, hindi pa nga ako tapos magkwento diba?" Ngumiti naman siya at nag peace sign.

Tumango tango nalang ako at pinagpatuloy ko na ang kwento ko, feeling ko ang sipag kong magkwento ngayon. HAHA

"At dahil nga isa siyang agent, madalas kaming nagkakasama sa mga training. At dahil minsan na rin akong pumunta sa bahay nila, do'n ko nakilala si Lara. Nung una ayoko siyang kausapin kasi parang ang weird niya, pero naisip ko mas weird pala si Lily sa kaniya" medyo napatawa pa ko ng maalala ang mga araw na 'yon, nung mga panahon na maayos pa ang lahat.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon