A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊
Gab's POV
Pinilit kong maglakad ng mabilis habang nakahawak sa tagiliran ko. Nasa hagdan ngayon si Yaya Lani, hindi niya ko pwedeng makita kaya naman, napatingin ako sa pader malapit sa hagdan. Napangisi ako.
Idinikit ko ang kanang kamay ko sa pader na 'yon at napangiti ako ng bumukas ito. Isa 'tong secret passage papunta sa kwarto ko. Lumakad ako sa loob nito at saka isinara ang lagusan, agad namang sumindi ang ilaw sa loob. Kung titingnan mo ito ay para itong isang elevator, pero pag sinakyan mo ito para itong isang extreme ride sa amusement park. Ako mismo ang nagdesign at gumawa nito. Ayaw nila mommy na pakielaman ko ang bahay na 'to kaya hindi ko sa kanila sinabi ang tungkol dito.
May siyam na seatbelt dito sa loob na nakadikit sa pader, nangangahulugan na siyam na tao lang ang makakasakay dito, agad akong pumunta sa pinaka malapit na seatbelt at agad na ikinabit ito sa katawan ko. May mga umiilaw na buton sa gilid at pinindot ko ang isa rito na papunta sa kwarto ko at agad na nagdilim ang buong paligid.
Humawak ako sa seatbelt at naghanda, ito ang pinaka favorite part ko. Bigla ko nalang naramdaman ang biglang pagbagsak ng kinalalagyan ko na para bang isang drop tower, bigla namang tumulin ang paggalaw ko hanggang sa bigla itong tumigil na parang isang roller coaster. Kung first time mo 'tong sasakyan siguradong puro tili ang gagawin mo dahil mas malala pa 'to sa mga rides na nasakyan ko. Ang pinagkaiba lang nito sa mga rides ay sampung segundo lang ang tinatagal nito, gano'n katulin.
Biglang lumiwanag ang paligid at kusa namang na-unlock ang seatbelt ko. Bumukas ang lagusan sa harap kaya naman naglakad na ko palabas, at gaya ng inaasahan, nandito na ko sa kwarto ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang malaking cabinet ko na papasarado na, 'yang cabinet na 'yan ang nagsisilbing pintuan ng secret passage ko sa kwarto.
Mabilis akong nagpunta sa cr at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Bwisit, nangyari na naman. Sabog sabog ang buhok ko na para bang bagong gising at isang araw na hindi nagsuklay. Tsk. Hindi ko nalang 'yon pinansin at agad na hinanap ang toothpaste na agad ko namang nakita.
Yaya Lani's POV
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sana sa kwarto ni Gab ng bigla nalang akong tawagin ni Manang Jeni. Pinapaayos niya sa 'kin ang salas.
"Mauna kana Manang Jeni, susunod nalang ako" sabi ko sakanya. Nginitian naman niya ako bago magsalita.
"Bakit may lilinisin ka pa ba?"
"Lilinisin? Ah oo, maglilinis muna ako sa hallway. Tawagin mo nalang si Manang Ester at ba ka matagalan ako" sagot ko habang nakangiti rin sa kaniya. Tumango naman siya bilang sagot.
Pagkatapos non tinawag nga niya si Manang Ester. Agad akong napa singhap ng dahil don. Bwisit. Mabilis ako na naglakad papunta sa kwarto ni Gab at nakitang nakasarado ang pinto nito. Agad akong lumapit don para buksan ang pinto at mabilis akong sumilip para makita ko ang loob.
Ang tahimik ng paligid. Tuluyan na kong pumasok sa loob at tahimik na isinarado ang pinto.
Dahan dahan akong naglakad palapit sa kama ni Gab para makita ang muka niya. Napangisi ako ng dahil do'n. Mukang gumana na ang lason na nilagay ko sa pagkain niya kaninang umaga. Iba na ang kulay ng muka niya at bumubula na rin ang bibig niya.
"Sana pala matagal ko na 'tong ginawa, edi sana hindi na 'ko nagtiis na maging katulong dito" sabi ko sa sarili ko.
Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Master B, agad naman niya itong sinagot.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Novela JuvenilLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...