Chapter 59

15.8K 691 172
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Gab's POV

*Kringgg kringgg kringgg*

Halos sabay sabay na nagbukas ang bawat pinto ng mga classroom ng tumunog ang bell. Uwian na eh. Sabay sabay na nagtayuan ang mga kaklase ko at hindi ko alam kung bakit pero parang nagmamadali sila.

"Anong meron?" Tanong ko sa kanila at humarap naman sa 'kin si insan.

"Wala, excited lang talaga kaming umuwi" at saka siya ngumiti. Halaaa? Nginitian ako ni insan?

"Ok?" Sabi ko nalang.

Habang nasa hagdan kami ang tulin talaga nilang magsilakad, nahuhuli na nga ako eh.

"Ate!" Tawag sakin ni James at saka tumabi sa'kin. "Samahan mo 'ko" sabi niya at saka ako hinila palayo sa mga kasama namin. Nilingon ko sila insan at nagmamadali pa rin sila sa paglalakad, may pupuntahan kaya 'tong mga 'to?

"Teka, saan ba tayo pupunta?" Ngumiti naman siya ng malawak pero hindi niya sinagot yung tanong ko. Hinatak lang niya ko papunta sa parking lot at saka siya sumakay sa kotse ni Jake. Nakatayo lang ako at pinagmamasdan siya pero kagaya kanina, hinatak na naman niya 'ko. Pinaupo niya ko sa driver's seat at saka ako inutusan na patakbuhin ang sasakyan. "Saan ba kasi---"

"Alam mo ate, mag drive ka nalang. Tuturo ko sa'yo yung daan" at dahil nga yun ang sinabi niya, 'yon ang ginawa ko. Halos hindi na ko pamilyar sa mga nakikita ko sa daan. Ilang minuto lang ang itinagal non hanggang sa pinatigil na niya ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay.

"Dito kalang ate may kukunin lang ako" sabi niya at saka binuksan ang pintuan ng kotse, pero agad ko siyang pinigilan.

"Teka, kaninong bahay 'yan?" Turo ko sa bahay na nasa tapat namin kahit alam ko naman na ang isasagot niya.

"Sa amin 'yan ate, hehehe" at saka na siya tuluyang umalis.

Bahay nila 'to?

Lumingon ako sa bahay nila at kapansin pansin ang gate nila na bakal, sobrang taas ng gate na 'to. Sa likod ng bakal na rehas na 'yon ay nakikita ko ang isang bahay. Hindi 'to kasing laki ng bahay ko pero sobrang dami ng mga guards na nakapalibot sa bahay. Feeling ko tuloy pati sa loob ng bahay ay may guards pa rin.

Bigla nalang humilera ang mga gwardya na 'yon sa tapat ng main door ng bahay at saka sabay sabay na yumuko.

At mula sa main door, lumabas ang isang lalaking may katandaan na. Naka formal attire 'to at mukang may lakad. Diretsong diretso rin ang tayo nito at kagalang galang ang itsura. Daig pa niya ang principal ng isang iskwelahan. Dinaanan lang niya ang mga gwardya na nakayuko sa kaniya at hinantay ang kotse niya na huminto sa tapat niya. Pinagbuksan siya ng pinto ng isa sa mga guard at papasok na sana sa loob ng kotse ng biglang lumabas ng pinto si James at mukang tinawag siya iaya napatigil ito sa pagsakay sa kotse.

May sinabi si James sa lalaki na 'yon na mukang hindi naman niya pinapakinggan. Tinalikuran lang niya ang kaibigan ko at saka sumakay na sa kotse. Nakita ko pang kumatok si James sa bintana ng kotse pero hindi man lang siya nito pinagbuksan.

Tsk, walang kwentang ama.

Nang makalabas na ang kotseng sinasakyan niya sa gate at mapatapat ang sasakyan niya sa 'kin, nagkatinginan kami. Ang seryoso ng muka niya at mukang nakilala niya 'ko dahil biglang naging iba ang tingin niya. Para akong sinasaksak ng mga tingin na 'yon. At ako, walang buhay lang ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon