JULIA'S POV
"Kringggg kringggg kringggg....." Patuloy sa pag tunog ang alarm clock, nagmulat ako ng mata at tinignan ang oras, 6:00 am palang pero kailangan ko ng gumising, 7:00 kasi ang simula ng klase. Ngayon ang unang araw ko sa LIS. Tinatamad pa akong bumangon pero ginawa ko na din. Pumasok ako sa banyo para maligo at bumaba para mag-almusal. Nasa hagdanan palang ako pero naaamoy ko na ang luto ni manang.
Nang tuluyang makababa ay dumeretso ako sa dining area at umupo sa harap ng hapag kainan. Nakahain na ang pagkain kaya wala na akong kailangang gawin. Matapos kumain ay nagpaalam na ko kay manang.
"Manang, aalis na po ako" naka-ngiting paalam ko kay manang.
"Sige hija, ihatid na kita sa gate" nakangiti ding sagot ni manang.
"Sige po" pagpayag ko sa kanya. Gaya nga ng sabi ni manang inihatid nya ako hanggang sa gate. "Manang alis na po ako" paalam ko uli kay manang tsaka kumaway.
Lalakadin ko lang ang LIS dahil malapit lang naman yun sa bahay ko. Habang naglalakad hindi ko maiwasang mag-isip, excited ako na hindi malaman. Nalaman ko na madalang daw ang transferee sa LIS dahil sa mahal ng tuition fee, halos lahat ng estudyante doon ay mga mayayaman, kadalasan ay ang mga pamilya ng ilan sa kanila ay nagmamay-ari ng mamahaling hotels and resorts sa pilipinas.
Magkahiwalay din ang campus ng babae at lalaki don. May mga dorms din sila na ang buong section nyo ang makakasama mo pero ang section F lang ang nakahiwalay sa kanila, halos lahat daw kasi ay nakakaaway nila. Pati ang room nila ay nakahiwalay dahil nasa last floor ang room nila. Ang balita ko ay hindi lang sila basta basta basagulero dahil mga gangster daw ang buong section F.
Nang malapit na ko sa gate ay may nakasalubong akong mga kalalakihang estudyante na naglalakad papasok sa LIS. Mga naka uniform sila kagaya ko. Kamalas malasan namang nakabunggo ko pa ang isa sa kanila, sa tingin ko ay sinadya niya yon. Muntik na 'kong mabuwal ng dahil sa pagkakabangga nya sakin.
"Hoy tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Ang luwang luwang ng daan oh 'di mo ba nakikita?!" Pagalit na tanong nung nasa gitna... Mukha namang isda pwe, napatingin naman ako sa paligid, nandito ako sa gilid pero nabunggo pa nya 'ko? Ha! sino niloko nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Hoy ka rin" sinabi ko yun bilang ganti habang nakatingin ng masama sa kanya. "Hindi mo rin ba nakikita? Nandito na ko sa gilid oh tapos nakuha mo pa 'kong bungguin nananadya kaba? Ha? Ikaw pa may lakas ng loob na magalit" nagpipigil ng galit na dagdag ko.
"Eh ano ngayon?"
"Sayo ba 'tong daan?" Tanong ko
"Hindi" sagot niya
"Ikaw lang ba ang dumadaan dyan?"
"Hindi"
"Binabayaran mo ba 'yan?"
"Hindi"
"Oh hindi naman pala eh anong ikinagaganyan mo?"
"Ha!" singhal nya, naamoy ko pa yung hininga nya dahil sa lapit nya sakin... Ang baho pshh. "Hindi mo ba 'ko kilala? Ikaw? Ngayun lang kita nakita dito ah? Transferee ka siguro noh" nakangising sabi nya. "Ang lakas naman ng loob mo na pagsalitaan ako ng ganyan, hindi ka ba natatakot saken?" Dagdag pa nya.
"Bakit naman ako matatakot sayo?" Balik tanong ko. Unti-unti siyang lumapit sa tenga ko at lumiyad para bumulong.
"Dapat lang na matakot ka sakin noh masyado ka naman yata'ng mayabang, ito ang tatandaan mo, hindi mo kilala ang binabangga mo" galit ang tonong bulong nya sa tenga ko.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Teen FictionLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...