A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊
Gab's POV
Isang araw at kalahati palang ang lumilipas mula nung mawala si Shades pero ang dami ng nangyari.
Natutulog na ang lahat sa kani kanilang kwarto habang ako, nakatulala lang. Iniisip ko kung ano nang nangyari kay Shades. Gusto ko siyang makita, kahit hindi niya ko tingnan, basta makita ko lang siya. Sanay naman na kong hindi siya tumitingin sa mga mata ko.
Umupo ako sa kama at saka ko kinuha ang cellphone ko na nasa bedside table. Agad kong binuksan ang gallery at saka hinanap ang mga litrato namin ng buong section F nung pumunta kami sa Amusement Park.
Ang totoo niyan hindi naman talaga ako mahilig mag picture lalo na kapag mag-isa ako. Pero kapag kumportable ako sa mga taong nasa paligid ko at gusto kong itago ang mga ala alang 'yon, nagte-take ako ng picture kahit paisa isa lang. Alam kong dadating yung araw na magkakahiwa-hiwalay din kami at magkakalayo-layo. Gusto kong itago yung mga memories na kasama sila. Ayokong may mawala samin kahit isa.
Binuksan ko yung isang folder sa gallery ko kung saan nandoon ang mga pictures namin ng buong section F. Lahat nakangiti. Lahat masaya. Kailan kaya namin ulit 'to magagawa ng magkakasama?
Medyo napangiti ako ng makita ko ang picture ni insan. Eto yung picture niya sa drop tower, nung sinabi niyang hindi siya natatakot.
Karamihan sa mga litratong nandito ay mga epic, stolen, pero biglang nawala ang ngiti ko ng dahil sa sumunod na picture na nakita ko.
Si Shades.
Eto yung sa roller coaster, nakangiti siya dito. Ang saya saya nung muka niya. Tumatawa siya kasama ang iba, kasama ako.
Asar kong ibinaba ang cellphone ko pabalik sa bedside table. Nakakaasar, lalo ko siyang gustong makita ng dahil sa pinaggagagawa ko! Nami-miss ko na siya agad!
Naalala ko tuloy yung mga sinabi ni James kahapon. May gusto rin si Shades sakin. Meron. Meron???!
Ginulo gulo ko ang buhok ko at saka tumigil ng may maisip ako. Ano bang pumasok sa kokote ko at ang drama drama ko ngayon?
Ako si Julia Gabrielle Smith. Smith! Isa akong Smith kaya hindi dapat ako maapektuhan ng dahil lang sa nawawala si Shades. Kailangan kong mag-isip ng paraan para maibalik siya. Isang plano.
Pero bago 'yon, kailangan ko munang trabahuhin yung mga sinabi ni Yaya Lani. Yung tungkol sa sikreto ng pamilya namin. 10:00 pm na at sigurado akong tulog na silang lahat. Pupunta ako sa SAP.
Mabilis akong tumayo at saka nagjacket. Inayos ko lang ng kaunti ang buhok ko at lumabas na ko. Ang tahimik ng paligid. Yabag ng paa ko lang ang naririnig ko bukod sa mga kuliglig at mga dahon na tinatangay ng hangin.
Ni-lock ko ang pinto sa front door at saka ako dahan dahang naglakad papunta sa garahe. Naka-lock yung mga kotseng nandito kaya hindi ko 'yon magagamit. Kung pwede ko lang kunin sa kwarto nila Jake yung susi ng kotse nila eh, kaya lang hindi ko naman alam kung saan 'yon nakalagay. Wala akong choice kundi gamitin ang kotse ko. Tsk. Sana lang may gas pa 'to. Ilang linggo na 'tong hindi nagagamit.
Pinindot ko yung secret button sa garahe dahilan para bumukas ang secret door kung saan nakatago ang kotse ko. Napailing nalang ako ng dalawang beses bago pumasok sa loob ng lambo.
Ini-start ko 'to at napangisi ng may kakaunti pa 'tong gas, kaya pa 'to hanggang SAP.
Habang nagda-drive, ang dilim na ng paligid, malamang gabi na eh. Pero nagulat ako ng bigla nalang may nahagip na kulay pulang ilaw yung mata ko mula sa likod ng isang puno. Walang ibang ilaw dito kundi yung nagmumula sa mga street lights at sa kotse ko, ano naman yung ilaw na 'yon?
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Teen FictionLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...