Chapter 40

21.1K 821 217
                                    

Gab's POV

Lunes na ngayon at halos puyat silang lahat pwera sa 'kin. Maaga akong natulog eh. Yung mga bwiset naman nakipagkwentuhan pa kala mommy. Inabot ata sila ng 11:00 pm bago sila matulog. Tsk, ni hindi ko nga alam kung ano pinag-usapan nila eh. Sila daddy naman tuwang tuwa pa sa pang-aasar nila sakin. Kaya maaga nalang akong natulog, ang aga ko tuloy nagising. 3:12 palang oh.

Kaya naman napag-isip isip ko na tumambay muna sa balcony, nasa second floor yun kaya malamang madadaan ko yung mga kwarto ng bwisit. Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pintuan sa pangalawang kwarto kaya napaatras ako. Lumabas don si Shades at nakita kong may kausap siya sa cellphone niya. Mas nagulat ako ng dumeretso siya sa balcony at don tinuloy ang pakikipag-usap sa kung sino man.

Kung saan pa talaga ako pupunta nandun din siya. Bwisit.

Tutuloy pa ba ko na tumambay sa balcony?

Kaya lang may kausap siya e, ba ka akalain niya na tsismosa ako.

Pero ron naman talaga ako pupunta bago pa siya pumunta ron.

Kaya lang... Aish! Bahala na! Bahay ko naman 'to kaya pwede akong pumunta kahit saan ko gusto.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa balcony para hindi niya ko marinig, pero siya naririnig ko.

"O-okay lang ako Dad" alanganing sabi niya sa kausap niya. So ang dean pala ng LIS ang kausap niya a.k.a tatay niya. Tsk, hanggang ngayon mukang hindi pa rin sila magkasundo. "Ayoko dad, ilang beses ko na sa 'yong sinabi na hindi ko 'yan gagawin" tapos galit niyang binaba ang tawag. Pagharap niya sa likod niya, nagulat siya ng makita niya ko. "K-kanina ka pa jan?" Gulat na tanong din niya habang medyo nanlalaki ang mga mata, hindi siya naka shades ngayon.

"Bakit laging ganyan yung tinatanong sa mga ganitong sitwasyon? Pwede namang 'sinusundan mo ba ko?' O kaya 'alam mo ba na hindi magandang makinig sa pinag-uusapan ng iba?' Ganern" sabi ko sa kaniya pero tinaasan lang niya ko ng kilay kaya napangiti ako at tumuloy na sa pag punta sa balcony habang siya nandun pa rin. "Hindi pa rin kayo magkasundo ng tatay mo?" Tanong ko na ikinagulat niya.

Naglakad siya papalapit sa 'kin at naupo sa may tabi kung saan may maliit na upuan. Ipinatong ko naman sa handrail ng balcony ang kamay ko.

"Narinig mo" bulong niya.

"Malamang narinig ko, kaya nga alam ko diba?" Sabi ko pero hindi niya ko pinansin. Nakatulala lang siya sa harapan. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah, dahan dahan lang ba ka malunod ka" sabi ko.

Pero syempre hindi ka malulunod, dahil sa oras na mangyari 'yon, hindi ako magdadalawang isip na iligtas ka.

"Bakit na ka sibangot ka na naman?" Tanong ko sa kaniya pero tiningnan lang niya ko, pero hindi siya makatingin ng deretso sa mata ko. Ang likot ng mata niya, hindi ko mahuli. "Alam mo ba na kapag nginitian mo daw ang mundo, ngingiti rin ito pabalik sayo" sabi ko habang nakangiti at nakatingin sa mga mata niya. Pero nag-iwas lang siya ng tingin.

"Pano ko naman malalaman kung nginitian na ko ng mundo?" Biglang tanong niya. Aba himala! Akala ko hindi na siya magsasalita e. Umayos muna ako ng tayo at tiningnan siya, pero sa harap pa rin siya nakatingin.

"Hindi mo 'yon agad malalaman, kasi minsan nangyari na pero 'di mo namamalayan" sabi ko nalang habang naka tingin din sa harapan. Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya.

"Lahat nalang ng sinasabi niya hindi ko naiintindihan" bulong niya. Sa tingin ko ang tatay niya ang tinutukoy niya. "Bakit hindi nalang niya sabihin sa'kin ang totoo?" Biglang sabi niya kaya napatingin na ko sa kaniya. So naglalabas na siya ng sama ng loob niyan?

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon