Chapter 8

25.6K 941 109
                                    

Gab's POV

"Boss!"

"Jules!"

Sigaw na ng sigaw sila insan pero mukang wala siyang naririnig. Palapit na ng palapit ang kotse kaya naman dali dali akong tumakbo palapit sa kanya, pagkalapit ko ay agad kong pinulupot ang dalawang braso ko sa bewang niya. Muka namang nagulat siya sa ginawa ko dahil napatigil siya at napatingin sakin, hindi ko siya pinansin at sa halip ay itinulak ko nalang siya palayo sa gitna ng daan. Pero mukang napalakas ang pagkakatulak ko kaya naman napahiga siya sa kalsada at napunta ako sa ibabaw niya.

"A-aray" daing niya dahil bumagsak ang likod niya sa matigas na simento. Agad naman akong kumilos para sana umalis sa ibabaw niya pero... pinulupot niya sa bewang ko ang isang braso niya kaya hindi ko yun nagawa.

Sheyt nakakahiya, alam kong nakatingin sa 'min sila insan ngayon.

"H-hoy, 'wag mo nga akong yakapin" pigil ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

"Niyakap mo rin naman ako ah" ganti niya sabay tanggal ng shades niya. Ayun na naman ang mga mata niya.

"Anong niyakap? Tinulak lang kita para hindi ka masagasaan" kontra ko sa sinabi niya. Medyo ngumisi siya pagkasabi ko nun, lumabas tuloy yung dimples niya.

"Tinulak mo nga ako, pero niyakap mo pa din ako" aniya.

"Gusto mo naman?" Tanong ko.

"Anong gusto? Ba ka ikaw ang may gusto? Hindi ka parin umaalis sa pagkakayakap ko o" medyo natatawa ng sabi niya. Akala ko ba hindi to tumatawa at ngumingisi?

Napatingin naman ako sa pwesto namin at nasa ibabaw niya parin ako habang yakap ng isa niyang braso. Dali dali akong umalis sa ibabaw niya at umupo sa simentong katabi niya. Tumayo naman siya at tumingin sa 'kin, medyo nasilaw pa ko dahil sa sinag ng araw pero unti unti ko ring naaninag ang muka niya. Ang gwapo talaga niya.

Inilahad niya naman sa harap ko ang kamay niya, pero hindi siya makatingin sakin ng deretso. Aba ngayon pa nahiya.

Tinitigan ko muna siya ng ilang segundo, kinuha ko ang nahulog na cellphone niya bago ko tanggapin ang kamay niya. Bigla naman siyang napatingin sakin, akala niya siguro hindi ko tatanggapin ang kamay niya.

"Kinilig ka na non?" Pang aasar ko sa kanya habang nakatingin kunyari ng masama sa kaniya, ang totoo niyan natutuwa ako dahil sakin lang niya pinapakita ang ibang side niya.

"Anong kinilig? Ba ka ikaw ang kinikilig" pambabaliktad niya.

"Pshh, eto o cellphone mo" Tumayo tayo hindi man lang kinuha yung cellphone, ba ka naman gusto niya na ako pa ang kumuha non para sa kanya. Kinuha naman niya sa kamay ko ang cellphone niya.

"Wala bang---"

"Thanks... for saving me" putol niya sa sasabihin ko. Sinuot na niya ulit ang shades niya at agad na naglakad pabalik kung saan naroon sila insan na hanggang ngayon ay nakatingin parin samin.

"Hoy hantayin mo ko!" Habol ko sa kanya dahil tuloy tuloy siya sa paglalakad. Nagulat ako ng bigla siyang huminto at lumingon sakin.

"Hindi mo naman ako kailangang habulin, dahil hihintayin kita" sabay ngisi.

*dub dug* *dub dug* *dub dug*

Anong nangyayari? Bakit feeling ko---

*beep beep* *beep beep*

Bigla nalang may bumusina, pagtingin ko sa kaliwa ko na sa gitna pala ako ng daan at malapit na kong masagasaan. Parang nag-slow motion ang lahat ng bigla niyang hawakan ang kanang kamay ko at hatakin palapit sa kanya dahilan para mapayakap ako sa kanya.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon