A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊
Gab's POV
"Maaga akong aalis ngayon dahil mag-aayos kami sa gym. Dito lang kayo at 'wag kayong aalis hanggat walang nag-a-announce na pumunta na sa gym" sabi ni Sir Sarmiento habang nag-aayos ng bag niya. Humarap uli siya samin at saka inayos ang salamin niya bago magsalita. "Para hindi kayo ma-bored, maghanda nalang kayo para sa laban niyo mamaya. Basta galingan niyo ah, plus grade 'yan" nakangiting sabi niya.
"Wahhhhhhhhh! Tenkyu serrr!" - James
"Sir!!! Thank youuu!" - Jake
Ayos din 'tong dalawa na 'to eh.
Nagpaalam na si Sir na aalis na siya kaya naman nag-ayos na kami ng gagamitin namin para mamaya. Duet kami ni Shades HAHAHA.
"Galingan niyo mamaya ate" nakangiting sabi ni James habang pinapanood kami nila insan sa ginagawa namin. Nag-aayos kami ng mga instrument na gagamitin mamaya.
"Siguradong mananalo banda natin, kasama niyo na 'kong kakanta eh. Hahahaha" sabi ko sabay tawa. Napatingin naman sakin si insan.
"Kahit wala ka mananalo kami, tsk"
"Aray ko naman!" Sabi ko sabay hawak sa puso. "Pinsan ba talaga kita? Grabeee" inilingan nalang niya ko at tinuloy na niya ang pag-aayos sa drums niya. Nung birthday ko ang bait bait niya, may paiyak iyak pa siya tapos.. Tsk.
Ni-review namin yung mga chords at lyrics para hindi namin makalimutan mamaya. Nakaayos na rin lahat ng kailangan namin kaya wala ng problema.
*tok tok tok*
Halos sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng marinig namin na may kumatok. Isang babae ang nakangiti ngayon sa'min, pamilyar ang muka niya ah, sa'n ko ba siya nakita?
"Pinapasabi po ni Miss Reyes na teacher 1 na pwede na pong pumunta sa gym ang mga kasali sa contest, thank you po" pagkatapos niyang yumuko ay nginitian niya kami at saka umalis. Alam ko na kung bakit pamilyar yung muka niya, siya pala yung SSG President. Buti nalang nakita ko yung I.D. niya.
At saka si Miss Reyes? Teacher 1? Abay ang lupet pala nung teacher na 'yon.
Nagpaalam na kami sa mga kaklase namin na nag-aayos ng banner para mamaya. Sila na raw ang bahala do'n eh, papagandahin daw nila dahil finals na.
Pagdating namin sa backstage ay bumungad samin ang muka nung babaeng masungit. Yung ayaw maniwala na section f ako. Hanggang ngayon gano'n parin ang itsura niya. Sa pagkakatanda ko Aira ang pangalan niya. Sinamaan niya ko ng tingin ng daanan namin siya. Grabe hanggang ngayon ba naman?
Umupo kami sa monoblock chair sa pinaka huli dahil kami ang huling magpe-perform. Wala pang tao rito maliban samin.
Pagkalipas ng ilang minuto ay may isang miyembro ng banda na pumasok, section D-2, sila Fish head, tsk. Nang makita niya kami ay agad niya kong sinamaan ng tingin, hala bakit ako?
Habang tinitingnan niya ko ay may napansin ako sa muka niya. OMAYGAHD! Naka-make-up siya!!! WAHAHAHAHAHAHAHAHA. Dinaig pa 'ko ah.
Bigla ko namang naalala yung kahapon. Nung humarang sila sa daraanan namin, sinipa ko siya sa muka. Siguradong nagpasa 'yon, kaya pala siya naka-make-up. Pero nakakatawa yung muka niya, muka siyang isda na binudburan ng harina. HAHAHAHAHA.
Umupo sila sa pinakaunang upuan, sila pala yung unang magpe-perform. At teka, bago na naman yung bokalista nila. Grabe, mukang rockstar. Mahaba ang buhok tapos medyo malalim yung eyebags, adik yata eh.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
JugendliteraturLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...