Chapter 47

17.7K 717 265
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊😊

James' POV

Kasalukuyan kaming nakatanga habang nagsasalita sa harap si Miss Reyes, iba na ngayon ang mood niya dahil pumasok ngayon si ate.

Ayaw siyang papasukin nila Jc kanina dahil hindi pa naman magaling ang mga sugat niya pero sabi ni ate kaya na niya. Naalala ko tuloy yung sinabi ni kuya John kanina.

"Naka-chansing kasi kaya gumaling"

Nung niyakap ni ate si Jules kahapon, nagulat talaga kaming lahat. Unang una, kapag umuulan na ganon hindi basta basta humihinahon si Jules. Hindi siya tumitigil sa pagsigaw at pagwawala kaya hinahayaan nalang namin siya hanggang sa mapagod siya. Pangalawa, nung tiningnan niya sa mata si ate, bigla siyang tumigil sa pagsigaw. Tapos nung niyakap ni siya ni ate, niyakap din niya ito pabalik habang nakapikit!

Kinikilig pa rin ako kahit kailangan mag-alala ako ngayon sa lagay ni Jules.

Hindi kasi nakapasok si Boss ngayon dahil nilalagnat siya. Madalas 'yong nangyayari tuwing aatakihin siya ng nakaraan niya. Siya ang pinaka malakas sa 'min pero siya ang pinaka madaling dapuan ng sakit. Hindi ko tuloy mapigilang maawa sa kaniya.

"Mr. Wilson"

Bigla nalang akong tinawag ni Miss kaya naman agad akong napatayo at napatingin sa kaniya. "Y-yes Miss?" Kinakabahang tanong ko. Nakatulala na pala ako kanina pa.

"Sino ang Presidente ng Pilipinas noong year 1878-1961?" Tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Bigla akong kinabahan. Hala! Hindi ko alam ang sagot. Tumingin ako sa katabi kong si Dave pero nginisihan lang niya ko, si Mike naman nakangisi habang nakayuko. Anu ba 'yan. Walang kwenta 'tong mga seat mate ko.

"Si ano po..." Sabi ko kahit hindi ko pa alam ang sagot. Iniwasan ko ang tingin ni Miss kaya nakayuko ako ngayon.

"Sino?" Naiinip na tanong niya ulit. Ang tulin namang mainip ni Miss, hindi ko pa alam yung sagot eh.

Habang nakatingin ako sa sahig ay nagulat ako ng biglang may papel na lumusot sa ilalim ng upuan ko at may nakasulat don na pangalan. Napatingin ako sa likod ko. Nakatingin sa 'kin si ate Gab, bigla siyang kumindat at saka tinuro yung papel na nasa sahig. Isang upuan ang layo ko sa kaniya mula sa likod kaya nagpapasalamat ako na binigyan niya ko ng sagot. Hindi katulad ng mga katabi ko na kulang nalang ay pagtawanan ako.

"Ano na Mr. Wilson? Sasagutin mo ba ang tanong o hindi?"

Mukang naiinip na talaga si Miss kaya naman tiningnan ko na yung nakasulat sa papel.

Sergio Osmeña

"Sasagutin ko na po Miss" matapang na sagot ko rito. Pinagtaasan niya ko ng kilay kaya naman sinabi ko na ang sagot ko.

"Serjo Osmeña po" nagtaka ako ng pagkunutan niya ko ng noo.

"Paki-ulit mo nga ang sagot mo Mr. Wilson"

Agad ko namang inulit ang sinabi ko. "Serjo Osmeña po"

Narinig kong napa hinga ng malalim si Jerson na naka upo sa likod ko.

Mali ba ang sagot ko?

Tumingin ako kay ate Gab at nakita kong iiling iling siya habang nagpipigil ng tawa. Pati yung katabi niyang si Jc at ang mga medyo matatalinong kaklase ko ay nagpipigil din ng tawa.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon