A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊
Gab's POV
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na agad ako sa kwarto ko. Kung bakit ba kasi may pasok pa kami ngayon eh, kung pwede lang talagang umabsent nalang aabsent ako. May date pa kami ni Shades mamaya HAHAHA.
Ang totoo niyan hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon. Si Shades 'yon eh, torpe yun. Tsk. Baka nga mamaya ako lang ang magsalita sa'ming dalawa eh HAHAHA. Ano kayang plano no'n mamaya? Hindi ko mapigilang mag-isip. First time 'to eh.
Habang naglalakad ako papuntang salas ay naririnig ko na ang mga kaklase kong nagtatalo. Ano bang pinagtatalunan nila?
"Pa'nong mangyayari 'yon James? Imposible 'yon!" Sigaw ni Jc habang nagpapaikot ikot sa kinatatayuan niya.
"Pero Jc, narinig ko talaga yung boses ni ate kagabi" sabi naman ni James dito.
"Baka naman nananaginip ka lang" seryosong sabi ni kuya habang nakayuko.
Umiling naman si James ng ilang beses bago ulit magsalita. "Gising ako no'n kuya. Narinig ko talaga ang boses ni ate, kausap pa nga niya si Jules eh"
Lumingon naman ang lahat kay Shades na ngayon ay walang kibo. Nakatingin lang siya sa kawalan na para bang ang lalim lalim ng iniisip niya.
"Alam mo James, namimiss mo lang si insan kaya ka ganiyan---"
"Bakit ba kayo naniwala sa dalawang 'yan? Tsk" pigil ko sa sasabihin niya. Sabay sabay silang napatingin sa gawi ko at kitang kita ko ang saya sa mga mata nila.
"Gab!" Sabay sabay na sabi nila at saka nagsilapitan sakin.
"Sabi ko na nga ba narinig kita kagabi ate eh!" Masayang sabi sakin ni James at saka yumakap. Napangiti naman ako at ginantihan siya.
Kinamusta ako ng iba kung ayos na raw ba ang lagay ko habang si kuya at si Jc ay magkasama at iniiwasang tumingin sakin. Mga bwisit sila kung anu-anong kalokohan ang naiisip. Napatingin ako kay Shades ng bigla nalang siyang tumayo at lumingon samin.
"Pinapatawag tayo ngayon ni Mr. Reymond sa guidance office. Kailangan na nating umalis" sabi niya at saka dumeretso na palabas ng bahay.
Guidance office?
Lumingon ako kala Christian na ngayon ay nakaiwas na rin ang tingin sakin.
"Bakit tayo ipapa-guidance?" Walang alam na tanong ko at wala akong nakuhang sagot mula sa kanila.
"HAHAHAHAHAHAHA" narinig kong tumawa si insan kaya napalingon ako sa kaniya. Nagpipigil ng tawa si kuya sa tabi niya. Buti nga sa kaniya, hindi siya makakatawa ngayon dahil maraming tao, tsk. Tumigil lang sa pagtawa si insan ng hindi na siya makahinga. "Alam mo insan kahapon, nagsi-iyakan lahat ng 'yan ng sabihin ko yung bad news. Tapos hindi na sila pumasok HAHAHAHA"
Hindi sila pumasok dahil sa kalokohan ni insan at ni kuya?? Siguradong puro sermon ang aabutin namin mamaya. Tsk.
-
-
-
Napahinga kami ng malalim ng makalabas kami sa guidance office. Buti nalang nakalusot kami. Tsk. Galit na galit talaga si Sir Reymond kanina at yung muka niya pulang pula sa sobrang galit. Isipin mo ikaw yung teacher tapos hindi ka pinasukan ng lahat ng estudyante mo. Nakakabaliw.
"Buti nalang mabait si Sir. Sarmiento" pagpaparinig ni insan kay Sir na kasama naming naglalakad ngayon pabalik sa room.
"Nako Jc, hindi ko na mabilang sa kamay ko kung ilang beses ko na kayong sinagip kay Mr. Reymond. Bakit ba naman kasi hindi kayo nagsipasok kahapon? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong niya habang inaayos ang salamin niya. Ang cute talaga ni Sir hehehe.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Novela JuvenilLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...