Jc's POV
Napatahimik ang lahat matapos magsalita ni John. Tahimik naman talaga sila pag nanjan kuya ni insan. Kung kilala lang nila si John siguradong magkakatropa na 'to ngayon. Eh kaya lang ibang tao na siya pag maraming tao e. Hindi namin alam kung bakit.
"Alam ba ng mga magulang mo na dito kami tumutuloy sa bahay mo?" Tanong ni Jake kay insan, umiling naman ito sa kaniya kaya nagulat siya. "Pano kung magalit sila?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ulit niya. Nakikinig naman yung iba naming kasama sa kanilang dalawa.
"Hindi magagalit 'yon, at isa pa, bahay ko 'to at hindi kanila" sabi ni insan kaya walang nagawa ang iba kundi ang tumango nalang.
"Ano itsura nila, ate?" Tanong bigla ni James. Napatingin naman si insan sa kaniya at napaisip.
"Mmm... Basta! Makikita niyo rin naman sila mamaya, hahaha" sabi ni insan habang tumatawa. May tama ata to sa ulo e, parehas sila ng kuya niyang may topak.
-----after 1 hour-----
"O, Anong meron?" Tanong ko kala Mike na nag-uunahan ngayong pumasok sa cr.
"Ano kaba Jc? Tanghali na kaya! Malapit na dumating mga magulang ni Gab, kailangan kaaya-aya kaming tingnan no!" Sagot niya. Natawa nalang ako dahil sa ikinikilos nila. Ang totoo niyan hindi naman masungit ang mga magulang ni insan. Kahit anong gustong gawin ni insan ay sinusuportahan lang nila ito, masyado kasi silang busy sa trabaho. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang trabaho ng mga magulang namin. Ayaw kasi sabihin sa 'kin ni mommy ang totoo nilang trabaho, hindi ko alam kung bawal lang ba nilang sabihin sa iba yung trabaho nila o ayaw lang nilang sabihin sa 'kin.
"Ikaw Jc? Hindi ka pa ba maliligo?" Tanong ni Jake na ikinangisi ko.
"Kahit hindi ako maligo, gwapo pa rin ako. Kaya hindi ko na kailangan pang maghanda. Kayo nalang, lalo ka na Christian" turo ko kay Christian "Mahirap papogiin ang katulad mo lalo na'y kabaliktaran ka non. Hahahaha" sabi ko habang tumatawa.
"Sino ba naglakas ng aircon?" Tanong ni Christian.
"Hindi ko nga alam eh" iiling iling na sagot naman ni Kael.
"Ba ka bigla lang may nagdaang masamang hangin" banat naman ni Dave. Nagtanguan naman sila. Tingnan mo nga naman, pagtulungan daw ba ko? Napailing nalang ako at lumabas na ng kwarto nila.
Doon nalang ako nagtungo sa salas kung saan nakaupo ngayon si John. Umupo nalang din ako sa sofa na katapat niya.
"Bakit nagkakagulo sa taas?" Nagtatakang tanong niya sa 'kin.
"Tsk. Kailangan daw kaaya aya ang itsura nila 'pag nakita sila nila tita" sagot ko.
Napangisi naman siya, tapos pagkatapos non ay tumawa siya. May topak talaga. "Ibang klase rin yung mga kaklase niyo no?" Sabi niya habang tumatawa pa rin, napatango nalang ako. "Nga pala, bakit naging kaklase niyo si James? Ang bata pa niya ah?" Tanong niya bigla. Close ba sila? "Nakilala ko na siya kahapon nung sinabay ako ni Gab" mukang nabasa niya yung nasa isip ko kaya tumango nalang ulit ako.
"Maaga kasing nag-aral si James. May pagka istrikto ang mga magulang niya pagdating sa pag-aaral" sabi ko sa kaniya.
"Pero kasali siya sa gang niyo diba?" Biglang tanong niya na ikinagulat ko.
"Pano mo nalaman ang tungkol don?" Tanong ko naman.
Ngumisi muna siya bago sagutin ang tanong ko. "Sinabi ni Gab"
"Oo kasali siya" sagot ko sa tanong niya.
"Kaya pala..." Bulong niya na narinig ko.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Novela JuvenilLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...