Chapter 33

19.5K 733 336
                                    

Jules' POV

"Tss, hindi kasi nag-iingat. Alam mo namang nahihirapan ka maglakad" sabi ni Gab habang itinatayo ako ng maayos. Ang lamig ng kamay niya.

"N-natutulog sila eh" sabi ko pero hindi ako makatingin sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit.

"Edi sana ginising mo" sabi naman niya habang nakatingin sa 'kin.

"Hindi pwede" sabi ko nalang tsaka ako tumayo ng maayos.

Aakayin ba niya ko pababa?

Hinawakan niya ang braso ko tsaka 'yon inihawak sa hand rail ng hagdan. Agad naman niyang iniiwas sa akin ang kaliwang braso niya.

"Tsk. Akala mo naman aakayin kita, pwede ka namang humawak jan sa gilid sa gitna ka pa talaga humagdan" sabi pa niya habang naka-pout ng kaunti. "Pano kung hindi ako napadaan dito? Edi nasa ospital ka na ngayon, nice!" Sarkastikong dagdag niya. Tinuloy ko nalang ang paghagdan habang naka hawak sa hand rail. Akala ko kanina tulog na yung nga tao. Kadilim-dilim kasi dito.

"Oh ano? Hindi ka man lang magpapasalamat?" Napatingin ako sa kaniya pero nakatingin siya sakin kaya nag iwas agad ako ng tingin.

"S-salamat" utal na sabi ko.

"Yan! Ganyan!"

"Wag ka ngang maingay. Ba ka magising sila" bawal ko sa kaniya. Pero nginisihan niya lang ako.

"Eh ikaw?" Sabi niya habang nakatingin sa 'kin. Kumunot naman ang noo ko habang nakatingin pa rin sa hagdan, ba ka mahulog na naman ako. "Bakit gising ka pa?" Napahinto ako sa paglalakad. Bakit ba niya ko sinusundan? Pinanliitan niya ko ng mata, naghihintay siya sa sagot ko.

"Wala" sabi ko nalang, pero dahil kilala ko siya,  alam kong hindi niya ko tatantanan.

"Bakit nga kase gising ka pa?" Tanong niya ulit. Sabi ko na eh. Napabuntong hininga ako at tinuloy nalang ang paglalakad, sumunod naman siya.

"Nauhaw lang ako" sagot ko habang nakatingin sa baba, malapit na kasi ako sa baba. Madilim pa naman, kaya kaunti lang ang nakikita ko.

"Nauhaw ah?" Tapos pumunta siya sa harapan ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Magkalapit na ang mga muka namin dahil sa biglang pagharap niya sa 'kin.

*dub dug dub dug*

Napatingin ako sa nanliliit niyang mata. "Nauhaw lang ba talaga? Ba ka naman may iniisip ka kaya hindi ka makatulog?" Tanong niya ulit.

Iniisip? Wala naman akong natatandaan na iniisip ko nung oras na 'yon. Pero... bakit nakikita ko ang muka ni Black ngayon sa isip ko, nung sinalo niya yung balang para sa 'kin.

Tumingin ako sa mata ni Gab at parang may nakita akong isang imahe ng babae sa muka niya. Pero hindi ko nakita ng maayos dahil nawala rin agad. Anong ibig sabihin non?

At dahil magkalapit ang muka namin, napa atras ako at tiningnan siya ng masama.

"Umalis ka nga sa daraanan ko" utos ko sa kaniya pero mas ngumisi lang siya sa 'kin.

"Ayoko nga" sabi niya tsaka humalukipkip.

Nakakaasar, wala akong choice kundi dumaan sa gitna. Kung kelan malapit na ko sa baba, bwisit.

Dahan dahan akong naglakad, pinapanood naman ako nung bwiset na babae. Nung una, ayos lang ang paglalakad ko. Pero habang tumatagal parang bumibigat na ang katawan ko, nanginginig nginig na rin ang mga tuhod ko. Malayo ako sa hand rail kaya wala akong mahahawakan, kaasar. Napapikit ako ng madiin pero habang nakapikit ako, bigla ko nalang naramdaman ang hangin, nahulog ulit ako.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon