James' POV
Pagkatapos nilang makipaglaban, nakahinga na 'ko ng maluwag. Buti nalang natalo nila yung mga lalaki. Si ate, ilang beses na niya kaming nililigtas. Ipinagtataka ko lang kung bakit ang lakas lakas niya, mas magaling pa siya kaysa sa 'min. Nakakainggit tuloy.
"Oy James" nagulat ako ng tawagin ako ni ate. Nakatulala na pala ako. Paglapit ni ate agad niya kong hinawakan sa magkabilang balikat ko, at saka tinitigan sa dalawang mata ko. "Natatakot ka pa?" Tanong niya. Yung mata niya, malayong malayo sa nakita ko kanina. Puno na 'yon ngayon ng pag-aalala, di kagaya kanina na nakakatakot.
Agad akong umiling. "H-hindi na ate" tumango tango naman siya.
"Mabuti naman" tapos inakay na ko ni ate papunta dun sa mga plastic na iniwan namin kanina. Ipinagtataka ko lang kung bakit sumusunod pa rin sa 'min yung lalaking humatak sa 'kin.
"Ate Gab, sino ba siya?" Turo ko sa lalaking nasa likod namin. Tumingin naman siya don at napangisi.
"Oo nga pala, bakit mo sinuntok yung huli? Akin dapat yun eh" nagtatampong sabi ni ate gab.
"Tinutukan ka niya ng baril, hindi ko napigilan ang sarili ko. Alam mo namang ayaw kitang nasasaktan diba?" Sabi nung lalaki. Napahawi naman ng buhok si ate Gab.
"Kahit na, akin dapat yun" tapos tinalikuran siya ni ate, sumunod naman ako sa kaniya.
"Kahit kailan ang kulit mo" sabi nung lalaki sabay katos kay ate. Close sila?
"Tss, parehas kayo ni Jc. Lagi kayong panira ng araw. Gusto mo ikaw katusan ko ha? Ha?" Hamon ni ate Gab.
"H'wag mo nga ako igaya kay Jc, parehas kasi kayong isip bata" tatawa tawang ani ng lalaki. Kilala rin niya si Jc. Naka-pout naman si ate Gab, hindi na niya pinatulan yung lalaki, parang badtrip e. Kinalabit ko naman siya.
"Ate Gab, sino ba kasi siya?" Tanong ko ulit, hindi niya kasi sinagot yung tanong ko kanina e.
"Ate?" Tanong nung lalaki sabay tingin sa 'kin. "Ba't hindi mo sinabing may bago pala tayong kapatid hahaha. Hi, James diba?" Tumango naman ako. "Ako si Kuya, HAHAHAHA" Baliw ba 'to? Ang lakas ng katok.
"H'wag kang lalapit d'yan James, ba ka mahawa ka ng kabaliwan jan" sabi ni Ate Gab sabay layo sa 'kin dun sa lalaki.
"Kabaliwan? Mas baliw ka kaya saken. James, muka ba 'kong baliw?" Tanong sa 'kin nung lalaki, hindi naman ako sumagot. Gusto ko sanang sabihin na oo kaya lang ba ka magalit siya, hindi ko naman siya kilala eh.
"Wag kang makikinig kay Kuya, ganyan talaga 'yan. Kapag walang tao maingay pero pag maraming tao sobrang tahimik niyan, sobrang seryoso rin ng muka" tumango nalang ako. Kuya? Ibig sabihin magkapatid sila? Tiningnan ko ulit yung lalaki, sabi na nga ba at may hawig siya eh. Magkahawig sila ni ate. Ibig sabihin dapat kuya ang itawag ko sa kaniya hehehe.
Pagkakuha namin ng mga plastic ay pumunta na kami sa kotse. Nadaanan din namin yung mga lalaki kanina, nagulat nalang ako ng biglang gumalaw yung isa. T-teka. Bigla nalang tumayo yung lalaki na 'yon agad akong napaiwas ng suntukin niya ko. Binitawan ko lahat ng plastic na dala ko sabay suntok sa muka niya. Napa atras siya ng kaunti at napahawak sa muka niya. Tapos tiningnan niya ko ng masama. Patay.
Agad akong umatras ng bigla siyang lumapit. Agad ko naman siyang sinipa sa tagiliran gaya ng turo ng mga kaklase ko, pero parang hindi siya tinablan. Napatingin ako kay ate, nasa likod siya nung lalaki. Umakyat siya sa kotseng katabi namin at saka nagpa-slide roon sabay sipa sa lalaki. Tulog na naman.
Nandon lang sa tapat yung jacket ni ate kaya kinuha na niya 'yon at sinuot.
Nagulat ako ng may humawak sa ulo ko. Napalingon tuloy ako sa likod ko, si kuya. Nakangiti siya ngayon sa 'kin.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Novela JuvenilLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...