A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊
Gab's POV
Nakaraan ang ilang araw mula nung sabihin ko sa kanina yung tungkol kay Lily. Halos araw araw ay busy ako dahil hindi ko alam kung pa'no ko mahahanap at makakausap si Lara. Kaya naman ngayon nandito ako sa lugar kung saan nagtatrabaho ang mga agent.
Sa SAP (Secret Agent Place)
Pagpasok ko sa gate, gate na naman ang bumungad sakin. Nando'n ang dalawang guard na seryosong seryoso. Ni hindi sila nag-uusap. Ganyan sila kaseryoso sa trabaho nila.
Lumapit ako sa kanila at ng mamukhaan nila ako ay agad silang nagbigay galang. Ang totoo niyan, kahit lagi silang ganyan kapag pumupunta ako rito, hindi parin ako sanay.
"Welcome back ma'am" magalang na sabi ng isang guard, matangkad siya at kapansin pansin ang mahaba niyang buhok. Malaki ang katawan at nakakatakot ang itsura kung hindi mo siya kilala. Si Kuya Fred.
"Thank you po" nakangiti kong sabi sa kaniya at saka ako yumuko at nagbigay galang. Ilang araw na pala kong hindi nakapunta dito.
Nakangiti namang binuksang ng kasama niyang guard ang gate. Matangkad din ito at malaki ang katawan gaya ni Kuya Fred, ang pinagkaiba lang nila ay wala itong buhok. KKK (kalbo kinis kintab).
Pinigilan ko ang tawa ko dahil sa naisip ko. Lagi ko naman siyang nakikita rito pero hindi ko parin mapigilang tumawa. Siya nga pala si Kuya George. Magkapatid sila ni Kuya Fred.
Yumuko rin ako kay Kuya George at saka nag thank you.
Pagpasok ko sa loob ay sobrang tahimik. Lagi naman ganito sa lugar na 'to. Kaya mas gusto ko na sa bahay eh, may nag-iingay na kasi sa bahay ko na dati ay halos ako lang ang tao.
"Ate Gab" tawag sakin ng isang lalaki, nakangiti siyang naglalakad papunta sakin. Halos magkasing tangkad lang kami. Matangos ang ilong, makinis at maputi ang balat at medyo manipis ang kilay. Itim na itim naman ang katamtamang haba ng buhok niya.
Napangiti ako saka siya hinintay siyang makalapit sakin.
"Renz" sambit ko ng makalapit na siya sakin. Mas lumaki ang ngiti niya dahil do'n. May inilabas siyang box sa likod niya at saka niya 'yon binigay sakin.
"Sorry ate Gab kung ngayon ko lang nabigay ang regalo ko sayo, hindi kasi ako nakaalis eh hehehe. Ang istrikto kasi nung bagong Boss ko" binulong lang niya yung huling sinabi niya. Mukang may bago na naman siyang task.
Para siyang batang tumalon talon at saka ako inaya na pumasok sa loob ng gusali namin. Bata pa naman talaga siya, para siyang si James. Magkasing tanda lang silang dalawa.
Pagpasok namin ay agad kong nasilayan ang mga kasamahan ko. Ang Big 10. Kumpleto kami ngayon, mula rank 1 hanggang 10. Agad na napatingin sakin si Mommy at Daddy habang papalapit ako sa kanila. Nakaupo silang lahat sa round table at mukang may mahalagang bagay silang pinag-uusapan. May mga dokumento kasi na nakapatong sa lamesa at ilang mga picture ni... teka, si Lily 'yon ha?
"O? Himala na pumasok ka ngayon?" Tanong ni Daddy habang nakangiti. Nung naabutan ko sila rito kanina seryoso ang mga muka nila. Iba talaga ang epekto ko hahaha.
Magsasalita na sana ko pero naunahan ako ni Mommy. "Ba ka naman nag-away sila ni Jules kaya pumasok" Ano raw???
"Sa'n mo naman nakuha 'yan Mommy?!" Sigaw ko dahilan para matawa siya. Nakita ko si kuya sa kabilang side ng table na seryosong seryoso parin ang muka. Ano kayang sinasabi ni kuya kala Mommy? Tsk.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
أدب المراهقينLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...