A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊😊
Gab's POV
Mabilis na bumaba si Ken ng ring at agad na nagtaka ang mga kasama niya, naiwan sa gitna ng ring sila Reynald na pinapanood lang ang pag-alis ng ka-grupo nila.
"Teka lang" paalam ko kala insan at saka mabilis na tumayo.
"Saan ka pupunta?" Takang tanong niya pero hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Susundan ko si Ken, masama ang kutob ko sa kaniya.
Nakita ko siyang mabilis na naglalakad papunta sa gilid ng isang poste. Nagtago ako malapit sa kinalalagyan niya at saka pinanood ang mga gagawin niya. Naglabas siya ng cellphone. Mukang may tatawagan siya, pero bakit nagmamadali siya? Ganon ba kaimportante yung sasabihin niya?
Lalo akong lumapit sa kaniya para marinig ko ang mga sasabihin niya. Hindi niya ko makikita dahil nasa kabilang poste siya.
"Nakita niya ko" panimula niya. Nanginginig ang mga kamay niya at parang hindi malaman ang gagawin. Nagpalinga linga siya sa paligid kaya nagtago muna ko ng maayos. "Nakita ako ni Gab"
Ako?
"Oo! Nandito siya. Hindi ko alam kung pa'nong nangyari na nandito siya pero ang problema ay nakita niya ko" anong... "Ano ng gagawin ko?" Tanong niya sa kausap niya. Mukang may plano siya kanina at nasira 'yon ng makita niya ko.
"Itutuloy ko ang laban? Eh pa'no siya?" Ilang minuto ang tinagal bago niya sagutin ang kausap niya. "Sige, pero pa'no kung pigilan niya ko?" Lumingon muna siya sa paligid bago magsalita. "Sige" tapos umalis na siya at bumalik na sa loob.
Anong pinaplano niya? Bwisit!
Agad kong nilabas ang cellphone ko at tinawagan si kuya, pero lalo akong naasar dahil wala akong load. Badtrip!
Tumatakbo akong bumalik kala insan at ng malapit na 'ko sa kanila ay naglakad nalang ako, hindi nila pwedeng mahalata na may problema. Tumabi ako kay insan at saka siya nginitian.
"Pahiram ng cellphone mo insan hehehe" kinunutan naman niya ko ng noo.
"Ano namang gagawin mo?"
"Tatawagan ko lang si kuya" sagot ko sabay kamot sa batok, sana pumayag na siya at 'wag ng magtanong pa. Tinitigan niya ko ng ilang segundo bago inilabas ang cellphone niya, hindi pa niya inaabot sa'kin 'yon ay mabilis ko na itong hinablot sa kamay niya at saka ako tumayo at naglakad palayo sa kanila. "Salamat insan!" Sigaw ko habang nakataas ang cellphone niya at winawagayway ko sa hangin.
Tumakbo ulit ako palabas ng gym at saka ko tinawagan si kuya, buti nalang at may number si kuya kay insan, hindi ko kasi kabisado number niya.
Nakailang ring na pero hindi parin niya sinasagot. Dalawang beses ko pang ni-dial ang number niya bago niya ito sagutin.
"Bakit ba ang tagal mong sagutin ang tawag ko kuya!" Sigaw ko.
"Tsk, si Yaya Lani kasi nanlalaban eh. Bakit ka ba napatawag?" Tanong niya. Hindi ko na pinansin yung sinabi niya tungkol kay Yaya Lani at sinabi ko nalang ang dapat kong sabihin.
"May kilala ka bang Ken Cedric Wright?" Mabilis na tanong ko sa kaniya na pinagtaka niya.
"Pinagpapalit mo na ba si Jules?"
"Seryoso ako! Hanapin mo 'yang pangalan na 'yan sa list na nasa kwarto ko, ngayon na!" Ilang segundo lang ay narinig ko na ang ingay ng mga papel mula sa kwarto ko, mukang alam na niya ang nangyayari.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Teen FictionLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...