A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊
Gab's POV
Gabi na naman at mukang sinabi na ni Shades sa mga kaklase namin ang mga impormasyong sinabi ko sa kaniya kanina. Kung ano ano na kasi ang sinasabi sakin ni James.
"Ateee!!!" Kanina pa niya ko kinukulit. "Totoo ba 'yon???" Nanlalaki pa yung mga mata niya habang sinasabi 'yan. Dapat talaga matutulog na ko eh, kumg hindi lang niya ko hinarang kanina.
"Oo na oo na" sagot ko nalang habang nagkakamot ng ulo, ang kulit niya eh.
"Wowww... ang astig! Gusto ko rin maging agent ate hehehe" tapos umarte siya na para bang nakikipaglaban.
"Tsk, eh hindi mo pa nga nasusubukan yung training na ginagawa ng mga nagsisimula bilang agent eh"
"Meron pang ganun?" gulat na tanong niya.
"Syempre naman, diba tuturuan ka raw ni kuya?" tumango naman siya ng sunod sunod. "Magpaturo ka na malay mo maging agent ka diba?"
"Wahhhhhhhh! Sige ate! Bukas magpapaturo na ko kay kuya" at tumakbo na siya papunta sa kwarto nila, pero nagulat ako kasi bigla siyang huminto at lumingon sakin.
"May mga code name ang mga agent diba ate?" tumango naman ako. "Ano code name mo ate? Hehehe" tanong niya habang nakangiti. Dumoble yata ang kulit niya ngayon.
"Agent 23" sagot ko nalang para tumigil na siya kakatanong, kaya lang mas lumawak lang ang ngiti niya.
"Wowww... ang astig talaga! Alam mo ate---"
"Alam mo James gabi na, ba ka gusto mong matuog noh?" at saka ko siya nginitian. Nanlaki naman ang mga mata niya at saka napaturo sakin.
"Nginitian ako ng isang agent---"
"Isa!"
"Hehehe, sabi ko nga ate matutulog na ko" at naglakad na uli siya, pero tumigill na naman siya at lumingon sakin. "Ganyan ba magalit ang lahat ng agen---"
"Dalawa!"
"Eto na! Matutulog na nga eh" at saka siya tumakbo papaakyat sa hagdan.
"Ngayon lang siya naging ganyan kakulit"
Napalingon ako sa likod ko ng bigla kong marinig ang boses niya, si Shades hehehe.
"Hangang hanga kasi siya sakin Shades" at saka ko siya nginisihan. "Parang hindi ka humanga sakin nung nalaman mo na isa akong agent ah?" napaiwas naman agad siya ng tingin, hahaha ayan na naman siya. Hulaan ko mauutal na yan.
"H-hindi ah" sabi na eh! Tinalikuran niya ko at maglalakad na sana siya ng pigilan ko siya.
"Kanina nung pinalabas ako ni Miss Reyes" tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin, pero sa iba nakatingin ang mata niya. Buti nalang sanay na ko dahil lagi naman siyang ganyan lalo na pag kaharap ako.
"Nakita ko si Ken, hindi siya naka uniform" napalingon naman agad siya sakin, naka shades pa rin siya kaya hindi ko makita kung sakin ba siya nakatingin. Pero parang sakin eh, wahahha.
"Tapos?" aba! Mukang interesado siya ah!
Kinuwento ko sa kaniya yung nangyari kanina, walang labis walang kulang, detalyadong detalyado. Ewan ko kung bakit pero pakiramdam ko kailangan niyang malaman ang lahat ng nangyayari.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Teen FictionLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...