Chapter 38

19.2K 792 252
                                    

Jules' POV

Nakatingin lang siya sa mga mata ko, wala akong shades na suot ngayon kaya kitang kita na niya ito. Nakatitig lang siya sa 'kin habang humahangin ng malamig. Napaka seryoso ng muka niya. Napaka lamig ng presensya niya.

Nagulat ako ng bigla niyang ilapit ang muka niya sa 'kin, agad naman akong umatras. Lumapit pa siya lalo pero tiningnan ko lang siya sa mata, hanggang ngayon seryoso pa rin siya. Pero mas nagulat ako ng bigla siyang...

"HAHAHAHA!" Bigla nalang siyang tumawa ng sobrang lakas. Lumayo siya sa 'kin at tumawa pa ng mas malakas habang pumapalo palo pa ang kamay sa inuupuan namin. Magkapatid nga talaga sila. Tumigil siya sandali at tumingin sa 'kin. "Gusto kita" biglang saan niya kaya tiningnan ko siya ng nagtataka, pero tinawanan lang niya ulit ako. Umupo ako ng maayos at pinanoos lang siya.

"Gusto kita para sa kapatid ko" biglang habol niya kaya nanlaki agad ang mga mata ko.

"Wala akong gusto sa kaniya" tanggi ko sa kaniya.

"Hahaha" tumawa na naman siya. "Anong wala? 'Wag ka ng mahiya sa 'kin, hindi ko naman sasabihin sa kaniya e" nakangiting sabi niya.

"Wala nga akong gusto--" napatigil ako ng bigla siyang nagsalita.

"Wala?" Nagtatakang tanong niya habang tinititigan ako. "Nakita ko yung mga tingin mo sa kapatid ko kanina, ibang iba yung tingin mo sa mga kaibigan mo. Alam mo bang maraming nagkakagusto kay Gab?" Nakangising dagdag niya pa.

Napa-buga naman ako ng hangin pero hindi ako nagsalita.

Tumawa siya ulit, pang-ilang beses na 'yan ah. "Ganyan talaga yung kapatid kong 'yon. Yung mga kilos niya, natural lang 'yon. Kahit kailan hindi siya marunong magkunwari. Lagi niyang nilalabas kung sino talaga siya" kwento niya. Sabagay, hindi ko naman siya nakitang nag-iba ng ugali. "Nung bata kasi siya, puro lalaki ang kaibigan niya" agad akong tumingin sa kaniya ng nagtataka ng sabihin niya 'yon.

"Wala kaming pinsan na babae, kaya puro lalaki ang kasama niya. Hindi niya naranasan maglaro ng bahay bahayan pati ng manika. Sinubukan nila mommy na bilhan siya ng manika pero ayaw niya, gusto daw niya baril barilan para makakapag laro sila nila Jc" kwento niya. Napahinga siya ng malalim at tumingin sa 'kin.

"Nung grade 10 siya, may nanligaw sa kaniya" ng sabihin niya 'yon ay agad akong ginanahang makinig. 'Di ko alam kung bakit. "Ayaw niya don sa lalaki, ayaw ko rin naman sa lalaki na 'yon para sa kaniya, pero yung lalaki ayaw magpapilit. Kaya alam mo ginawa niya?" Napangisi siya habang inaalala ang mga pangyayari. "Sinuntok niya sa muka yung lalaki. Sabi niya 'kapag hindi mo ko tinigilan hindi lang yan ang aabutin mo' edi walang nagawa yung lalaki kundi umiwas" tapos tinitigan niya ko sa mata.

"Ikaw" biglang sabi niya sabay turo sa 'kin.

"Ano?" Tanong ko naman.

"Bakit hindi mo siya subukang ligawan?"

*Dubdug dubdug*

"A-ano bang sinasabi m-mo? Kahit kailan h-hindi ko 'yan gagawin" utal utal na sabi ko. Bwisit.

Napangisi siya at napatayo.

"Ikaw ang bahala, ngayon lang ako may nagustuhang lalaki para sa kaniya. Sa tingin ko pa naman may gusto rin siya sayo" A-ano daw?

*Dubdug*

Tinitigan niya 'ko ng limang segundo ng bigla ulit siyang tumawa. "Sige na, hahaha. Basta pag-isipan mo 'yan ng maayos... Pre" tapos tuluyan na siyang umalis.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon