A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊😊
Jules' POV
"P-paanong nangyaring... hindi pwede!" Iiling iling na sabi ko habang nakahawak sa ulo ko. Tumingin naman siya sa'kin ng seryoso.
"Yun ang totoo, Shades. At hindi mo na 'yon mababago pa" bulong niya sakto lang para marinig ko.
Bigla nalang may pumasok na tanong sa isip ko kaya tinanong ko 'yon agad sa kaniya. "Kung mafia lord siya dati... ano na si Dad ngayon?" Lalong sumeryoso ang tingin niya sa'kin. Pero pagkalipas ng ilang segundo bigla nalang siyang ngumiti.
"Dalawang tanong lang Shades remember?" Tatawa tawang aniya sabay kindat. Umayos siya ng tayo at saka naglakad papalayo. Pero bago pa siya makaalis, nagsalita muna siya.
"Sa birthday ko, malalaman mo na ang lahat"
At tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
Pumasok na ko sa kwarto namin at saka natulog.
-
-
-
-
Naglalakad ako sa kalsada ng may mabunggo akong lalaki. Nagalit siya sa'kin at saka niya ko sinampal ng bigla nalang may batang babae na tumulak sa kaniya. Nilabanan niya 'yon, ganon siya katapang.
Tinulungan niya kong tumayo at saka ako dinala sa ilalim ng puno. Wala kaming ginawa ro'n kundi magkwentuhan. Kinwento ko rin sa kaniya kung bakit ako naglalakad mag-isa kanina.
"Hahahaha, hayaan mo sa susunod na magkita tayo, tuturuan kita ng self defense" nakangiting aniya.
"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo naman. Yun e kung magkikita pa ulit tayo"
"Bakit? Hindi na ba ulit tayo magkikita?" Malungkot na ani ko.
"Napadaan lang ako dito sa lugar niyo kaya kita nakita. Sa malayo ako nakatira, tumakas lang ako sa driver namin dahil ayokong mag shopping. Nakakatamad kayo yon. Siguro hinahanap na ko ng mga 'yon ngayon, ba ka nag-aalala na yung pinsan ko sa bahay" kwento niya.
"Ba ka nag-aalala na rin sila Dad sa 'kin" parang natauhan na ani ko.
"Ang kulit mo kase. May pa-emote emote ka pang nalalaman, pasalamat ka nakita kita kanina" sermon niya sa akin.
"Oo na oo na, uuwi na ko" sabi ko tsaka tumayo.
"Wait lang" pigil niya sa'kin. Tumigil naman ako sa paglalakad tsaka tumingin sa kaniya. "Gusto ko sa susunod na pagkikita natin hindi ka na umiiyak" seryosong aniya. May kinuha siyang itim na shades mula sa damit niya na hindi ko napansing nakasabit pala doon. Inabot niya 'yon sakin. "Eto oh, sayo nalang 'yan. Suotin mo 'yan para hindi halata na namamaga yung mata mo kapag umiiyak ka" nakangiting aniya.
Hindi ko parin yun kinukuha kaya nagsalita siya. "Kunin mo na. Binigay ko na yung panyo ko isama mo na to" pamimilit niya. Kaya naman kinuha ko na yon. Medyo malaki yung shades na 'to, parang pang matanda pero sinuot ko parin. "Mas pogi ka pala pag suot mo yan, hahahaha" ayan na naman siya. Pinupuri ba niya ako o pinagtatawanan?
Inilagay ko na sa bulsa ko yung binigay niyang dilaw na panyo na may design na bilog bilog na hindi ko maintindihan.
"Sige na umuwi ka na, ba ka hinahanap ka na ng mga magulang mo"
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Teen FictionLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...