A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊
Jc's POV
Isang araw na naman ang lumipas at napapansin na rin ng mga kaklase ko ang kinikilos ni insan. Hindi na siya katulad nung isang araw na parang laging lutang. Pero kahit gano'n, halata parin na may problema siya. Gano'n na naman kasi yung ayos niya sa tabi ko, nakapangalumbaba habang nakatingin sa labas ng bintana.
Sa isang araw na yung finale ng battle of the bands, kailangan hindi siya ganyan sa araw na 'yon. Kailangan ko ng gumawa ng paraan.
-
-
"Paalam pangkat F" sabi ni Sir--- este ginoong Reymond. Mukang wala siya sa mood kanina dahil hindi siya nagalit samin. Sa kabilang banda, nagtayuan na ang lahat at saka kami sabay sabay na naglakad. Kami yata ang pinaka huling nag-uwian dahil halos lahat ng section ngayon ay nasa labas.
Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Nagbubulungan din sila gaya ng lagi nilang ginagawa. Nasa likod ko si insan at nakatingin lang siya sa daanan habang naglalakad, nakatulala na naman siya. Ibinalik ko nalang muna ang tingin ko sa harapan at bigla nalang humarang sila Reynald sa daraanan namin. Napaka laki ng ngisi niya habang nakatingin kay Jules na nasa tabi ko lang.
"Akala niyo ba natutuwa ako na kayo ang lalaban sa battle of the kings?" Maangas na tanong niya.
Lumapit siya kay Jules na nakatingin lang sa kaniya. "Hindi" sagot ni boss na lalong ikinagalit ni Reynald. Nandito kami ngayon sa gitna ng campus at pinagtitinginan na kami ng lahat. Bawal silang mag video o mag picture kapag may ganitong eksena sa LIS dahil nasa rule 'yon ng Dean.
Sarkastikong napatawa si Reynald at saka tinulak ng bahagya si Boss. Napalayo ako sa kanila ng kaunti. Lumingon ako sa likod ko at wala na ro'n si insan, nasa tabi na siya ngayun ni Boss.
Napalingon si Reynald kay insan at saka ito nginisihan. "Ang tahimik mo ata ngayon?" Tanong niya.
Walang ganang tiningnan lang siya nito at saka binugahan ng hangin. "Wala ako sa mood ngayon, fish head" bored na sagot ni insan. Maglalakad na sana siya at lalampasan na sana sila Reynald ng bigla siya nitong harangin.
"Nagmamadali ka ba? Hahahaha!" Tanong ni Reynald habang tumatawa. Siya lang mag isa ang tumawa kaya makahulugan niyang tiningnan ang mga kasama niya para makitawa.
"Nakaharang ka kasi sa daraanan namin" bored parin na sabi ni insan.
Galit na napatingin si Reynald dito at saka ito dinuro.
"Anong---" napatigil siya sa pagsasalita ng biglang hawakan ni insan ang kamay niyang 'yon at saka ito pinilipit. Halata namang nasaktan si Reynald dahil muntik na siyang mapasigaw.
"Aalis ka o tatabi ka? Mamili ka" medyo iba na ang tono ni insan kaya naman medyo lumapit ako sa kaniya. Ba ka mamaya kung ano na ang magawa niya rito. Ang dami pa namang nakatingin.
Mabilis na nag-react ang mga nakakita at narinig 'yon ni Reynald kaya naman padabog niyang binawi ang kamay niya at saka lumapit kay Carl na kanang kamay niya.
Kasalukuyan pa siyang may binubulong dito ng biglang maglakad si insan palapit sa kanila. "Dadaan kami, tabi" sabi ni insan kaya naman agad na nag-amba ng suntok si Reynald pero agad 'yong nailagan ni insan at saka niya ito ginantihan ng dalawang sipa sa muka.
Naalarma naman agad kami at saka pinaglayo ang dalawa. Inawat din nila Carl si Reynald dahil ba ka may makakitang teacher samin.
"Tsk" - insan
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Teen FictionLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...