Chapter 88

11.6K 447 140
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Jules' POV

Hindi ako makakilos ng maayos dahil nakatali ako. Nanghihina rin ang katawan ko at halos hindi ko na maiangat ang ulo ko. Parang hindi ko na kaya. Hindi ko alam kung ano yung ginagawa nila Albert sa katawan ko pero, wala akong maramdaman na kahit ano. Namamanhid ang buong katawan ko.

"Ngayon na!" Sigaw ni Albert kaya napatingin ako sa gawi nila pero bigla nalang akong napapikit ng makaramdam ako ng sakit sa katawan. Nawala na ang pagkamanhid ng katawan ko. Namalipit ako at nagsisigaw sa sakit. Pakiramdam ko may kung anong lason na kumakalat sa katawan ko at pinapatay no'n ang mga organs ko.

"Shades! Hindi pwede! Shades! Tumingin ka sakin!" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil sa lakas ng pagsigaw ko. "Kahit isang beses lang, kahit saglit lang---" napatigil siya sa pagsasalita kaya medyo itinaas ko ang tingin ko. Binubugbog siya nung mga tauhan ni Albert pero mukang wala lang 'yon sa kaniya kahit may pasa na ang muka niya. Sumakit ang ulo ko at bigla nalang akong nahilo. "Kailangan ko lang na tingnan mo 'ko, Shades. Kahit yun lang, please"

Mas lalo pang sumakit ang ulo ko kaya napasigaw na naman ako. Nakapikit narin ako dahil sa sakit. "Arghhh!" Napakasakit! Parang pinupukpok ng martilyo ang utak ko sa sobrang sakit. Halos hindi ko na kaya ng bigla nalang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Napadilat ako at sakto namang nakatingin ako sa mga mata niya.

*dub dug*

"G-gab" ilang segundo kaming nagkatinginan at nagulat ako ng bigla siyang ngumiti. Kahit sinisipa at sinusuntok siya nung lalaking nasa harap niya, kahit may dugo't pasa na ang muka niya... nakuha pa rin niya kong ngitian. Yung ngiting lagi niyang pinapakita.

"Salamat" nakangiting sabi niya kahit na patuloy pa rin siyang sinusuntok nung lalaki sa harap niya. Parang balewala lang 'yon sa kaniya. Hindi pa rin siya umiiwas ng tingin kaya 'yon din ang ginawa ko.

"HAHAHAHAHA hindi uso ang happy ending ngayon! H'wag mo kong kinukuha sa pangitingiti mo" tatawa tawang sabi ni Albert na nanonood lang sa paghihirap naming dalawa ni Gab. Tuwang tuwa siya.

"Anong gagawin mo kapag nanlaban ako?" Nakangising tanong ni Gab kay Albert. Napatigil naman sa pagsuntok yung tauhan ni Albert.

Nawala ang ngiti sa muka niya at seryosong tumingin kay Gab. Nagulat ako ng may kunin siya sa likod niya at itinutok 'yon sa 'kin. "Kapag nanlaban ka? Haha papatayin ko siya" tukoy niya sa'kin at mas lalo pang inilapit sa ulo ko yung baril.

T-teka, hindi ako pwedeng mamatay. Hindi pa 'ko nakakaaamin!

"Papatayin mo siya?" Sarkastikong tanong ni Gab habang nakaturo sakin. Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. H'wag mong sabihin na hahayaan lang niya si Albert na patayin ako??? "HAHAHAHA, edi patayin mo siya. Diba nga sabi mo hindi uso ngayon ang happy ending?"

A-ano raw?? Hahayaan niya kong mamatay? Eh bakit pa sila pumunta rito kung gano'n?

Nagulat na naman ako ng si Albert naman ang tumawa. Magtatawanan nalang ba sila hanggang mamaya? Tsk. "Ibig sabihin wala lang siya sa'yo?" Nakangising tanong niya kay Gab.

Bigla namang napakamot sa ulo si Gab. "Alam mo Albert, masyado kang tsismoso" at bigla nalang din siyang sumeryoso. Yung tingin na nakakatakot. "Panoorin mo 'to" may hinagis siyang kutsilyo at sakto namang tumama 'yon sa kamay ni Albert na may hawak na baril. Nabitawan niya 'yon at napasigaw.

"Patayin niyo 'yan!"

Bigla nalang pumasok yung sampung lalaking nakaputi ng marinig nila ang sigaw ni Mr. Albert. Wala silang mga baril pero... ang lalaki ng katawan nila. Tumingin ako kay Gab at mukang wala lang yung mga 'yon sa kaniya. Magyayabang na naman ba siya? Kahit kailan hindi talaga nawawala sa kaniya 'yon, tsk.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon