A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊
Jules' POV
Nandito ako ngayon sa kwartong ibinigay sakin ni Bernadette. Ang sabi niya dito raw muna ako tutuloy hangga't hindi pa nagigising si Mom.
Pumayag ako sa plano ni Bernadatte na maging anak anakan niya, hindi dahil sa gusto ko 'yon o ano, pumayag ako dahil kapag ginawa ko 'yon ay ipapakita niya sakin si Mom na tinupad naman niya. Hindi ko alam kung anong balak niya at kailangan niya ko para maging anak niya pero kahit kailan... hindi ko siya kikilalanin bilang tunay kong ama. Mabuting tao si Dad kaya hindi ko siya ipagpapalit. At isa pa, may napapansin ako sa mga kilos ni Bernadette.
Isa pang dahilan 'yon kaya ako pumayag sa plano niya. Alam kong may balak pa siyang iba kaya kailangan ko 'yong malaman.
Umupo ako sa upuan na nandito sa kwarto at saka inisip ang mga kaibigan ko. Ano kaya ang ginagawa nila ngayon? Nag-aalala kaya sila sakin? Gumagawa na kaya sila ng plano para kuhanin ako??
Mabilis akong napatayo sa upuan at saka napatingin sa pinto ng kwartong 'to. Kung tama nga ang naiisip ko, ibig sabihin kailangan ko ng kumilos. Hindi ko hahayaan na sila lang ang kikilos para makuha ako. Kailangan ko pa ng impormasyon para makagawa ako ng plano.
Inayos ko ang sarili ko at saka ko kinuha ang shades ko na nakapatong sa lamesita. Napatigil ako sa paglalakad ng dahil do'n.
Yung shades...
*dub dug dub dug*
Naalala ko yung mga sinabi niya sakin nung tinulungan niya ko sa trauma ko sa ulan. Lahat ng sinabi niya, bumabalik sa alaala ko.
"Shades, gusto kita"
"Gusto kita Shades, i like you"
"Ginagawa ko ang lahat ng 'to, lahat ng tulong ko, hindi lang dahil sa trabaho ko 'to at binabayaran ako ng tatay mo. Ginagawa ko 'to dahil gusto ko. Gusto ko para sa taong mahal ko. Shete, mahal kita Shades. Matagal na"
Dahan dahan akong napaupo sa upuan na inuupuan ko kanina ng dahil do'n. Mula nung sinabi niya 'yan, oras oras kong naririnig ang boses niya at paulit ulit na sinasabi ang mga salitang 'yan.
Napakuyom ang kamao ko ng dahil do'n.
Nung mga araw na 'yon, naduwag ako. Siya yung babae pero siya pa yung may lakas loob na umamin sakin. Ang totoo niyan, matagal ko ng planong sabihin sa kaniya na gusto ko rin siya. Kaya lang naunahan niya ko. Araw araw sinasabi ko sa sarili ko na, pa'no kung hindi ko na masabi sa kaniya?
Ngayong kinuha ako ng masasamang tao, hindi ko na siya nakikita. Alam kong pansamantala lang 'to pero, oras oras ko pa ring hinahanap ang presensya niya. Siguro dahil sa nakasanayan ko na lagi siyang nasa paligid ko.
Mahirap sabihin para sakin pero... nami-miss ko na siya.
Palihim akong napangiti at saka ko sinuot ang salamin na hawak ko. Itong shades na 'to ang nagpapaalala na lagi lang siyang nandito sa tabi ko.
Ngayong nakapag-isip na ko, hindi ko na babaguhin ang plano ko, na sa oras na magkita kami, sasabihin ko na sa kaniya ang nararamdaman ko. Hindi na ko maduduwag. Hindi na ko aatras. Hindi na ko matotorpe gaya ng sinasabi nila Jc. Hinding hindi ko na sasayangin ang pagkakataon para umamin sa kaniya. Magpapakalalaki na ko. Hindi ko na hahayaang pangunahan ako ng kaba.
Pero bago ang lahat, kailangan ko munang alamin ang pinaplano ni Mr. Bernadette.
Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako ro'n. Pumasok ang isa sa mga tauhan ni Bernadette na si Peter. Sa pagkakaalam ko siya ang kanang kamay nito. Tsk, muka naman siyang rockstar na laos. Mahaba kasi ang buhok niya na medyo kulot pa.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Ficção AdolescenteLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...