Jc's POV
Pakiramdam ko nananaginip ako ngayon. Kitang kita kasi sa mukha ni Jules na ang saya saya niya, bilang lang sa mga daliri ko kung ilang beses siyang naging ganiyan kasaya. Napangiti nalang ako sa aking naisip.
"Insan" tumingin naman ako sa kanya ng nakakunot ang noo. "Last na talaga 'to hehehe, dun tayo sa ferris wheel" iiling sana ako pero bigla ulit siyang nagsalita. "Sige na insan. Alam mo namang first time kong pumunta sa ganitong lugar eh. Payagan mo na ko, minsan lang to oh. Pleaseee.." With matching paawa effect pa. Bwisit naman oh, naka pout na naman siya.
"Oo nga naman Jc, payagan mo na"
"Payagan mo na kase"
"Oo na, oo na" pagsuko ko. Pinagtutulungan na kasi nila ko. Tsk. Gusto rin naman pala nilang sumakay, sana sinabi nila ng mas maaga.
Limang tao lang ang kasya sa isang... ano kasi tawag dun? Basta yung sinasakyan na bilog.
Ang magkakasama ngayon ay si Gab, Jerson, James, Jules at siyempre ako, hindi ako pwedeng mawala noh. Dalawang mahabang upuan ang nasa loob at ang magkakatabi? Si insan nasa gitna namin ni James.
Ng magsimula ng umandar ang ferris wheel ay walang nagsasalita. Nakatingin lang kami sa baba, kita mula dito ang buong amusement park. Ang ganda. "Ang alam ko 9:00pm may fireworks display" sabi ni boss. Nakita ko naman na napangiti ng matamis si insan. Kaya pala gusto niyang sumakay dito, 4 minutes nalang kasi bago mag-alas nuebe. Mula bata si insan mahilig na siya sa fireworks, at hindi ko alam kung bakit.
"Ang taas na natin" kinakabahan na sabi ni James. Ang taas? Eh wala pa nga kami sa kalahati e.
"Ate Gab, nalulula ako!!" Ate Gab? Kelan pa sila naging close ni insan? "Parang hinihila ako papunta sa baba, wahhhhhhh" naiiyak iyak na ani pa niya. Binatukan naman siya ni insan. Loko.
"Wag ka kasing tumingin sa baba" payo ni insan sa kaniya. Sinunod naman niya 'yon at tumingin siya sa taas. "Ang cute mo lalo kapag natatakot" ngingiti ngiting sabi ni kay James habang ginugulo ang buhok nito. May naramdaman akong kung ano kaya naman napatingin ako kay Jules. Ang sama ng tingin niya kay James. Nagseselos ba siya?
2 minutes nalang bago mag 9, dapat nakangiti si insan pero hindi. Nakatingin lang siya sa baba, nakatitig pala. Nagtaka ako kung anong meron don kaya napatingin din ako.
Maraming mga tao ang nagkalat sa baba, kitang kita 'yon mula dito sa taas. Tiningnan ko ulit si insan at sinundan ang tinitingnan niya.
T-teka. Mayroong isang babae na nakasilip o nagtatago sa gilid ng isang booth. Palinga linga siya sa paligid. Naka kulay itim siya na damit, mahaba ang buhok. Parang kilala ko-- si Lara. Nandito si Lara!!!
Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Napatingin lang ako kay insan ng mag seryoso siya.
"Maghanda kayo" saad niya habang nakatingin sa mga mata namin.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Jerson.
"May mangyayaring masama" saad ni insan. Napatingin naman siya sa akin. "Tawagan mo ang iba" ani niya. Agad ko namang ginawa ang utos niya.
"T-teka muna. Ano bang nangyayari?" Tanong ni James, pero walang sumagot sa kaniya. Tumingin ako kay boss at mukang alam na niya kung ani ang nangyayari.
Tinawagan ko ang iba naming kasama sa pamamagitan ng group call.
"[Oyy Jc, anong meron?]" Tanong ni Christian.
"Maghanda kayo, may panganib na parating" sabi ko sa kanila. Gaya nila Jerson, nagtaka din sila kaya naman ipinaliwanag ko na sa kanila ang dahilan. "Si Lara, nandito siya. Malakas ang kutob kong marami pa siyang mga kasama na nasa paligid. Mga lalaking naka itim, katulad ng dati. Sila na naman..." Ani ko.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
JugendliteraturLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...