A/N: Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊
Jc's POV
Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit hindi man lang ako nagka-ideya na iisa pala silang dalawa, ganon ba 'ko kahina?
Hapunan na pero hindi pa rin lumalabas si insan. Alas sais na nga ng gabi eh. Lahat kami hindi pa kumakain dahil wala pa siya. Mula nung umalis kami sa kwarto niya hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto. Hindi ko alam kung dahil lang ba 'yon sa hindi siya makalakad o dahil tinatamad na siyang bumangon kaya natulog nalang siya. Tsk.
"Ako na ang magdadala ng pagkain niya" sabay sabay kaming napatingin kay Jules ng bigla niya 'yang sabihin. Pati sila manang Jeni ay napalingon din sa kaniya. Bigla tuloy siyang napayuko at napakamot sa batok. "K-kung ok lang sa inyo" nahihiyang saad niya. Para paraan din 'tong si Jules eh.
Nakita ko na medyo napangisi si John ng dahil sa narinig niya, eto naman supportive na kuya. Gustong gusto niya talagang magkatuluyan yung dalawa ah. Kaya siguro hindi siya sumamang umalis kala tita dahil gusto pa niyang tulungan si Jules kay insan. Ang torpe naman kasi ni Boss eh tsk tsk.
"Sige, ikaw na ang magdala ng pagkain niya. Siguradong sisigawan lang ako ni Gab kapag ako ang nagdala ng mga 'yon" sagot naman ni John.
Oo nga pala, galit na galit kanina si Gab kay pare kanina. Ganto kasi ang nangyari...
-----flashback-----
Matapos sabihin ni insan na trabaho niyang iligtas kami ay bigla siyang napatingin sa kama niya. Yung kulay puting bed sheet ni insan, halos naging pula na ito dahil sa dugo na galing sa kaniya. Galit siyang tumingin sa 'kin at dinuro ako.
"Bakit dito niyo ko dinala?!" Sigaw niya sa 'kin. Agad naman na nagtakbuhan palabas ang mga kasama ko at ako lang ang natira. Ang galeng.
"Hindi ako nagsabi na dalin ka jan sa kama mo" todo tangging sabi ko. Ba ka mamaya ako pa ang masuntok nito eh, ngayong alam ko na na siya si Black, siguradong pagsinuntok niya ko tulog agad ako.
"Kung ganon sino??" Mabilis na tanong niya.
Napangisi ako at napa pito bago magsalita. "Sino pa ba? Edi yung magaling mong kuya"
"Ano?!..... KUYA!!!" Malakas na sigaw niya, sa sobrang lakas ng pagkakasigaw niya ay napatakip na ko ng tainga. "Aray bwisit" inis na bulong niya habang nakahawak sa sugat niya, tatawa na sana ko pero bigla ulit siyang sumigaw. "KUYA!!!" Kagaya kanina, napatakip ulit ako ng tainga.
"Hina-hinaan mo nga yung boses mo insan!" Suway ko sa kaniya pero inirapan lang niya ko.
"Dalin mo dito si kuya kung ayaw mong makatikim ng sapak!" Galit na sigaw niya kaya naman napatakbo agad ako papunta sa labas para hanapin si John. Mahirap na ba ka madamay pa ko.
Nilibot ko ang buong ground floor pero hindi ko siya nakita, kaya naman agad akong humagdan papunta sa taas. Akala ko mahihirapan akong hanapin siya pero agad ko siyang nakita sa balcony. Tuloy tuloy akong naglakad at handa na sana siyang sigawan pero napatigil ako dahil may kausap siya sa cellphone niya.
"Hindi po niya sinabi lahat... Opo... Sige po sige po" tapos binaba na niya yung tawag niya. Pagharap niya nagtaka ako kasi hindi man lang siya nagulat na nandito ako, hindi katulad ng mga napapanood ko sa tv.
"Anong kailangan ng isang nilalang na tulad mo sa gwapong nilalang na tulad ko?" Mahangin na tanong niya.
Tss, ba ka nakakalimutan niya na mas gwapo ako sa kaniya. Una lang siyang pinanganak.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Teen FictionLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...