A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊
Jules' POV
"Good morning section f" nakangiting bati samin ni Sir Sarmiento.
Sabay sabay kaming tumayo at binati rin siya ng 'good morning'
Pabagsak akong umupo sa upuan ko at saka yumuko. Wala akong ganang makinig ngayon. Ang dami kasing tanong na pumapasok sa utak ko na hindi ko alam kung kailangan ko bang sagutin.
"Congratulations, nanalo na naman kayo" sabi ni Sir na nagpasigaw sa karamihan.
"Syempre Sir!" - Mike
"Always champion!" - James
"Gano'n kami kagaling Sir!" - Kael
"Hindi naman kayo yung nagperform do'n" mayabang na bulong ni Jc na narinig ng iba, kaya naman napa peace sign siya agad bago tumingin kay sir.
"Sir!" Tawag ni Kyle ss adviser namin kaya naman napalingon 'yon sa kaniya.
"Ano 'yon, Mr. Parker?"
Ngumiti muna si Kyle bago magsalita. "How about our grades? You promised that you will give us plus points" agad na nagbago ang ekspresyon ng muka ni sir dahil do'n.
"Oo nga pala sir! Yung plus points namin!" - Jc
"Oo nga sir!!!"
Tsk, palibhasa mabababa ang mga grade nila kaya gustong gusto nila ng plus. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at hindi na nakinig sa mga sinasabi ng mga kaklase ko. Sana lang hindi ko makatulog.
*kring kring kring*
Mabilis akong napabangon ng biglang tumunog yung bell. Bell? Anong oras palang ah.
Napatingin ako sa mga kaklase ko at nakitang nakatalungko sila at nakahawak yung mga kamay sa ulo at batok.
"Uy Jules" tawag sakin ni Jc kaya tumingin ako sa kaniya. "Earthquake drill daw ngayon, bilisan mo ba ka mahuli ka pa ni Miss Reyes" mabilis akong gumaya sa kanila bago pa ko makita ni Miss. Tsk, nakatulog pala ko kanina.
*kring kring kring*
Nagtayuan ang lahat ng marinig namin ang pangalawang alarm at saka sabay sabay na naglakad palabas sa room. Naka ayos kami at dahan dahang naglalakad pero ng makababa kami sa building namin ay bigla nalang nagkagulo. Nagtulak tulakan ang mga estudyante, hindi ko alam kung bakit sila nagmamadali.
Nagpunta kami sa safe zone at saka naghantay sa sasabihin ng mga may pakana nito. Tsk. Nakakasilaw yung araw kaya naman habang walang nakatingin na teacher ay inalis ko yung kamay ko sa batok ko at saka ko 'yon hinarang sa mata ko. Ang init.
Ilang minuto lang ay nag-announce ang nakatataas na pwede ng tumayo kaya 'yon ang ginawa namin. Yun na 'yon? Binilad lang kami sa araw eh. Maglalakad na sana kami pabalik sa room ng bigla nalang kaming tawagin ng SSG President na si Karylle.
"Pinapapunta po lahat ng section f sa gym" nakangiting sabi niya. Maglalakad na sana siya paalis ng pigilan siya ni Jerson.
"Bakit daw?" Tanong ni Jerson na muling nagpaharap kay Karylle. Ngumiti lang siya at saka nagkibit balikat bago ulit maglakad paalis.
"Wala naman kayong ginawang kalokohan diba?" Tanong ni Jc sa lahat. Nag-ilingan naman ang mga kasama namin.
"Bakit naman tayo papapuntahin ss gym? At saka bakit tayo lang?" Takang tanong ni Mike. Nagkibit balikat nalang ako at saka nagsimula ng maglakad, sumunod naman sila samin. At dahil nga pinababalik na ang nga estudyante sa room bukod samin, nakakabunggo namin sila dahil sa gym kami papunta. Nagmamadali ang ilang mga estudyante sa pagbalik sa room, yung iba ay nabunggo pa ko.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Fiksi RemajaLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...