A/N: Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊
Gab's POV
Nakaupo pa rin ako sa kama habang tinititigan ang pagkaing dala dala ni Shades kanina.
"Si Yaya Lani"
Paulit ulit ang boses ni Shades habang sinasabi ang mga salitang 'yan sa ulo ko. Wala kasi akong tiwala kay Yaya Lani. Siguro nagtataka kayo kung bakit ko pa siya tinanggap bilang katulong kung wala naman akong tiwala sa kaniya. Sa birthday ko tsaka ko nalang ipapaliwanag ang buong detalye, sa ngayon kailangan ko munang tingnan kung may lason yung pagkain, malakas kasi ang kutob kong meron e.
Lumapit ako sa pinto ng kwarto ko para i-lock ang pinto, pagkatapos ay agad akong lumapit sa cabinet ko at saka kinuha ang susi ng isang drawer. Hindi ko na pinansin ang sugat ko para wala akong indahin na sakit. Binuksan ko ang cabinet ko at saka tumingin sa isang maliit na drawer sa loob nito, hindi 'yon halata dahil sa mga nakaharang na damit. Agad ko 'yong binuksan gamit ang susi na hawak ko at kinuha ang gamit na 'yon.
Ang poison monitor
Gawa ito ng isa sa mga kaibigan ko. Matagal na ng huli ko siyang nakita, siguro ay busy siya sa trabaho niya.
Sunod kong nilapitan ang tray na dala ni Shades na ngayon ay nasa study table. Maingat akong umupo sa upuan at tsaka itinapat ang poison monitor sa mga pagkain. Ang poison monitor na ito ay parang isang ipod kung titingnan, pero ang pinagkaiba nito ay camera lang ang makikita mo rito, camera na naka x-ray mode. Kaya kapag tinapat ito sa katawan ng isang tao o kahit sa anong bagay ay malalaman mo agad kung mayroon itong lason.
Pagkatapat ko ng gadyet na 'to sa pagkain ay bigla itong gunawa ng beeping sound. May lason nga ang pagkain, hindi na ko nagulat dahil alam ko naman na balang araw ay gagawin niya ito sa 'kin. Hindi ko lang akalain na ngayon pala ang araw na 'yon.
Christian's POV
"Wala ata ngayon yung mayabang niyong kaklase?" Nakangiting tanong ni Miss Reyes, parang ang saya pa niya ah?
Hindi pumasok ngayon si Gab. Sabi niya hindi pa raw niya kayang tumayo, kaya hinayaan nalang namin siyang magpahinga. Pero malakas ang kutob ko na may kailangan lang siyang gawin kaya siya nagdahilan. Hindi ko lang alam kung totoong hindi pa niya kayang tumayo.
"Get one whole sheet of paper, magtetest tayo ngayon" nakangiti pa ring aniya. Good mood ngayon si Miss dahil wala si Gab, sinipag din tuloy siyang magpa-test. Bwisit siguradong mahirap na naman 'to.
Ilang minuto ang itinagal ng test na 'yon bago ito kolektahin ni Miss Reyes. Nakangiti niya itong inayos at isinilid sa bag niya at nakangiti rin siyang umalis sa room namin. Ngayon lang 'to nangyari dahil araw araw ay lagi siyang nakasibangot at ang sungit niya kung titingnan pero ngayon... ang creepy niya.
*kring kring*
Agad kaming nagtayuan ng marinig namin ang bell, recess na.
"Sandali lang! Umupo muna kayo!" Sigaw ni Sir Reymond pero walang pumansin sa kaniya dahil nakalabas na kaming lahat sa room. Si Sir masungit pa rin ang itsura pero halata na masaya rin siya na wala si Gab. Pero yung mga kaklase ko? Medyo tahimik sila ngayon, wala kasi silang kaasaran. Ngayon lang 'to nangyari.
Sabay sabay kaming naglakad papasok sa canteen at ayan na naman ang mga tingin nila, mukang takot na takot talaga sila sa 'min. Hindi ko sila masisisi, kilala kami bilang mga basag-ulo eh.
Pagka-upo namin sa dati naming pwesto ay sabay sabay kaming napatingin kay Jake, agad naman niya kaming tingnan ng nagtataka.
"Bakit?" Biglang tanong niya agad naman itong sinagot ni James.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Novela JuvenilLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...