James' POV
Nakatayo pa rin yung lalaki sa harap namin. Pinaglalaruan niya yung maliit na kutsilyo sa kamay niya habang nakangisi siya. Lalong tumindi ang kapit ni ate sa kamay ko ng oras na 'yon. Nagulat nalang ako ng bigla niya kong bitawan.
"Ate" bulong ko pero mas nagulat ako ng suntukin niya sa muka yung lalaki. Dali dali 'yong nabuwal at napahiga sa sahig. Hinawakan ulit ni ate yung kamay ko sabay sabi ng
"Takbo!"
Sobrang tulin tumakbo ni ate lalo na at hawak niya ang kamay ko, muka tuloy kinakaladkad niya ko. Habang tumatakbo tinanggal ko na yung salamin at sumbrero na suot ko. Lumingon ako sa paligid at nakitang tumatakbo na rin yung mga lalaking naka-itim. Lalo akong kinabahan ng itutok ng isa yung baril niya sa 'min.
*bang!*
Napayuko ako ng marinig ko ang putok na 'yon. Buti nalang at hinatak ako ni ate papunta sa pinakamalapit na kotse at saka nagtago doon. Pano niya nalaman na babarilin kami nung lalaki? Eh hindi naman siya lumingon ah.
"A-ate, pa'no na tayo makakatakas sa k-kanila? May b-baril sila" nanginginig nginig na sabi ko, nanginginig din pati mga kamay ko. Siguro kung may kasama pa kaming iba, mas mahihirapan kami makatakas.
"Shhh, 'wag kang mag-alala, ako ang bahala. Makakatakas tayo sa kanila" pagpapakalma sa'kin ni ate pero hindi pa rin tumitigil sa panginginig ang kamay ko. "Iwanan muna natin dito 'tong mga plastic, balikan nalang natin mamaya" tumango tango nalang ako at agad na sinunod ang sinabi niya. Napatingin naman ako sa dalawang kamay ko, hindi pa rin 'to tumitigil.
"Sundan mo 'ko" bulong ni ate tsaka mabilis na gumapang palapit sa kabilang kotse, pero dahil nanginginig pa rin ako, hindi ako nakakilos. "James!" Bulong ulit niya pero konting dasog lang ang nagawa ko. Babalikan na sana ko ni ate ng makarinig ako ng mga yabag ng paa kaya napatago ulit siya sa kabilang kotse. Habang ako ay mas sumiksik nalang sa kinaroroonan ko.
"Nasan na kayo?!" Sigaw nung lalaking may hawak na kutsilyo. Naririnig ko na malapit na siya sa 'kin. Yung mga kasamahan naman niya tumatakbo palang papunta dito, galing sila sa kabilang side ng parking lot. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala yung lalaki kanina.
"Hahaha, nanjan ka lang pala!" Sabi nung lalaki bago ako lapitan pero bigla siyang napatigil ng may biglang humawak sa leeg niya mula sa likuran niya. Si ate.
"Subukan mo siyang lapitan ako makakaharap mo" seryosong bulong ni ate sa tenga nung lalaki. Ang lamig ng boses niya, pati ako natakot. Pero... bakit pamilyar? Sigurado akong narinig ko na yung boses na 'yon. Ang tanong ay kung saan?
"Sa tingin mo natatakot ako sa babae? HAHA" Tawa nung lalaki, pero bigla nalang siyang napatigil. "A-anong--" tapos bigla nalang nawalan ng malay yung lalaki. Pagbagsak niya sa sahig, nun ko lang nakita na may nakatarak na palang syringe sa leeg niya. May laman yung asul na likido. Parang nakita ko na yun sa kung saan.
Agad na kumilos si ate at itinayo ako. "Humanda ka James, tatakbo ulit tayo" sabi niya bago hawakan ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi tumango nalang.
Nang makatayo ay yun na nga ang ginawa namin, tumakbo kami, habang hinahabol ng mga naka-itim na lalaki.
"Tumigil kayo!" Sigaw ng lalaki na may hawak ng baril. Pero hindi kami huminto sa pagtakbo.
*bang!*
Napayuko ulit ako kasabay ng pagkabog ng dibdib ko ng marinig kong muli ang putok ng baril. Parang nanlalamig na ang buong katawan ko.
Napatigil ako ng huminto kami ni ate. Nakatago kami sa isa sa mga poste.
"Lumabas na kayo! Napapaligiran namin kayo" sigaw ulit nung lalaki na may hawak na baril. "Kapag lumabas kayo dyan hindi namin kayo sasaktan" sabi ulit ng lalaki.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Boys Campus
Teen FictionLaurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudyante sa LIS at ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng LIS, kasama din sya sa section F kung saan basagul...